Alam n’yo ba na isa sa pinakanakakaawa sa lahat ay ‘pag ang isang artista ay nagsalita na gusto niya na iwan ang showbiz pero hindi naman niya nagawa.
Ilang stars kasi na ‘pag nasa itaas ng kanilang career buong yabang na nagsasabi na iiwan nila ang showbiz after matapos ang kanilang mga ginagawa. Pero ‘pag bagsak na ang career at wala namang naipon, tuloy pa rin sa paglabas kahit pa nga mula sa pagiging big star ay biglang suporta na lang.
Kaya hindi dapat sinasabi ito, dapat ginagawa lang ‘pag talagang kaya mo na. Kasi may kasabihang baka magtampo ang trabaho, biglang mawala, kakainin mo ang sinabi mo. Dapat talaga maingat ka sa salita, dahil baka hindi mo mapanindigan.
‘Yung chance na binigay sa iyo ng showbiz dapat mahalin mo, huwag mong akalaing magiging iyo forever ‘pag hindi mo iingatan. There is no business like showbiz, kaya ingatan at mahalin. Iwanan mo but be grateful.
Bong, aligaga sa pagtakbo ni Jolo
Very hectic na ang sked ni Bong Revilla lately. Kasi nga bukod sa trabaho niya as senator, siya pa rin ang parang guide ni Jolo Revilla sa mga ginagawa nito.
At dahil nga sa tumatakbo ngayon si Jolo kaya ganundin ka-busy si Bong sa pag-aasikaso ng lahat. Plus ngayon nga na panahon ng pandemic siyempre ang dami ring mga tao ang personal na lumalapit sa kanila para sa tulong.
Talagang hindi na rin makakaalis sa pulitika ang mga Revilla.
Tulad ng showbiz, naging maganda rin ang pagtanggap sa kanila ng pulitika, kaya naman buo rin ang puso nila para dito.
Basta Cavite, pamilya Revilla ang maaalala mo. Dito sila isinilang, lumaki, naglingkod, at dito na sila habambuhay. Bonggang Cavite. Bonggang Revilla.