MANILA, Philippines — Nakapasok sa top 12 si Miss World Philippines 2021 Tracy Maureen Perez sa pagpapatuloy ng naturang patimpalak sa Coca-Cola Music Hall sa San Juan, Puerto Rico.
Huwebes (oras sa Pilipinas) nang bigong makalusot si Tracy, isang 28-anyos na industrial engineer mula Cebu City, sa top 6 contenders ng patimpalak dahilan para hindi niya maiuwi ang korona ngayong taon.
Related Stories
Ipinanganak bilang premature "miracle baby," pinalaki si Tracy nang mag-isa ng single-mother na si Chona Perez ngunit pumanaw rin ang huli taong 2010.
JUST IN: Tracy Maureen Perez failed to enter the Top 6 of Miss World 2021!
— Interaksyon (@interaksyon) March 17, 2022
Follow our #MissWorld2021 coverage here https://t.co/LNKbcnFV87 pic.twitter.com/hFFqO3UvwN
Matatandaang 13 ang nakapasok sa "top 12" ng Miss World ngayong taon, matapos magkaroon ng tie. — may mga ulat mula sa Interaksyon
Antabayanan ang mga karagdagang detalye sa balitang ito