Kuya Kim, nangabog ng rating kahit walang sumasayaw na mga sexy na babae!
Itinanggi ng GMA 7 executive sa kanilang interview na ire-remake ng network ang K-drama na Vincenzo starring Song Joong-ki.
“Hirap naman gawin ng Vincenzo. Actually sa totoo lang, gustung-gusto ko siyang gawin but I don’t know lang if it’ll work here because ang ending niyan ano siya ‘di ba Mafs (Mafia). Kumbaga galing siya sa mob, so ano ‘yung hero rito pumapatay sa totoo lang.
“Eventually he really kills and he kills violently, it just starts out ano siya eh ‘di ba may pagka-comedy and everything, but later on an eye for an eye siya eh ‘di ba.
“Although I love that show and we tried actually, we inquired but later on parang naku parang hindi sure, hindi ako sure, hindi kami sure if it will work.
“But we’re on the look out pa rin naman for other K-drama not because nauubusan ng stories to tell but sometimes it’s also nice to recreate something that you love watching on Netflix or on other ‘di ba streaming platforms and to be challenged to do something good as that. So we’re still on the look out,” mahabang paliwanag ni GMA Senior VP for GMA Entertainment Group Lilybeth Gomez-Rasonable sa virtual mediacon the other day, with Joey Abacan, GMA First VP for Program Management and Nessa Valdellon, GMA First VP for Public Affairs.
Kumalat kamailan ang isyung magbibida nga sa local adaptation ng Vincenzo sina Dennis Trillo and Maja Salvador.
Sinagot din nila ang tanong kung threatened ba sila sa pagbubukas ng Advanced Media Broadcasting Corporation (AMBS) ni former Senator Manny Villar.
“Ang dami na naman nating nakalaban ‘di ba. Ang dami na rin naabangan na one way or another na sumubok tumapat sa atin, laro ‘to eh so maglaro tayo nang maayos. So tingnan natin may mananalo, may matatalo pero alam natin that it is going to... I welcome it because you know in a way marami rin namang magtatrabaho ng ibang mga kapatid natin sa industriya ‘di ba. So every time na may sumusulpot na ganyan merong magkakatrabaho. Merong magkakaroon ng programa. And for a lot of people. So masarap ‘yung laro. Masarap ‘yun,” pahayag ni Mr. Joey.
Dagdag naman ni Ms. Lilybeth, “Totoo naman ‘yun na it’s just more work. We’re confident naman because we have good shows, good producers.”
Samantala, ayaw makialam ng GMA executives sa pinagdaraanan ng mag-asawang Tom Rodriguez and Carla Abellana.
Pero pareho raw may project ang ‘mag-asawa’ na hindi pa rin nagsasalita sa dahilan ng diumano’y hiwalayan nila kahit open na si Tom sa mga kaibigan at kasama niya sa trabaho na na-scam ang kanyang life savings.
Happy naman ang GMA executive na si Ms. Nessa sa naging performance sa rating ng pumalit na programa sa Wowowin, ang Dapat Alam Mo! hosted by Kim Atienza, Patricia Tumulak at Emil Sumangil na dating napapanood sa GTV.
Hindi raw nila na-imagine na mangyayari ang ganun lalo na nga at walang sexy ladies na sumasayaw sa programa. “That’s why we’re really proud and happy that it’s rating.”
Samantala, ang daming mga bagong programa ng GMA 7 for this year na inilatag nila sa virtual conference.
Recently lang nang umpisan ang Widows’ Web headlined by Ms. Carmina Villarroel, Vaness del Moral, Ashley Ortega, Pauline Mendoza, sumunod ang legal drama Artikulo 247 top-billed by Rhian Ramos, Kris Bernal, Benjamin Alves, and Mark Herras.
At pagkatapos ng Mano Po Legacy: The Family Fortune, ngayong gabi na mag-uumpisa ang next installment of GMA and Regal Entertainment’s hit Mano Po Legacy franchise featuring Ken Chan, Bianca Umali, and Kelvin Miranda in Mano Po Legacy: Her Big Boss.
The Network also promises to deliver fun sa favorite game show na Family Feud, hosted by Kapuso actor Dingdong Dantes.
Pinaabangan din nila ang family drama Raising Mamay. Tungkol ito sa teenager who takes care of her mother, who is stricken with brain regression after an unfortunate shooting incident starring AiAi delas Alas and Sparkle loveteam Shayne Sava and Abdul Raman.
Meron din silang Bolera na magsisilbing TV comeback ni Kylie Padilla. Joining her are Rayver Cruz and Jak Roberto.
Tuloy na tuloy na rin ang GMA Public Affairs’ primetime programs Love You Stranger and Lolong.
Naapektuhan ng pandemic ang dalawang programang ito dahil maraming staff ang nagkaroon ng infection.
Bida sa Love Your Stranger ang real-life Kapuso couple Gabbi Garcia and Khalil Ramos, beginning this May.
At tulad sa nauna kong nasulat wala na ring atrasan ang local adaptation ng Start-Up starring Bea Alonzo and Alden Richards.
Ganundin ang show nina Xian Lim and Glaiza de Castro in the primetime series False Positive.
Finally mapapanood na rin ang live-action adaptation of the hit Japanese anime series Voltes V: Legacy starring Miguel Tanfelix as Steve Armstrong, Ysabel Ortega as Jamie Robinson, Radson Flores as Mark Gordon, Matt Lozano as Big Bert, Raphael Landicho as Little John, and Martin del Rosario as the Boazanian Prince Zardoz.
Meron din silang The Fake Life, about a man who realizes he is not living the life he thought he had; Apoy sa Langit, an advocacy-driven series that showcases an unusual story of betrayal and family affairs; Abot Kamay na Pangarap, a tale of an impoverished but smart girl coping with the challenges of love, skills, family, and her dreams; Frozen Love, isang story tungkol sa daughter ng ice resurfacer machine driver at an ice-skating rink who got the opportunity of a lifetime when she became a part of a figure skating team; Return to Paradise, which tells the life of two college students who are marooned on an island and fall in love; Heaven In My Heart, Underage, a television re-telling of the Regal Entertainment movie classic of three country girls whose lives were turned upside down when they transfer to the city; and Nakarehas Na Puso, isang kuwento tungkol sa second chance sa isang ex-convict na ina na matagumpay na nakabalik sa kanyang pamilya gamit ang ibang pagkakakilanlan sa pag-asang ayusin ang kanilang nasirang buhay.
Nakahanay rin ang The Witness, Love Before Sunrise, What a Joy and Sang’gre, which is about a young woman who manifests magical powers, not knowing she is the only child of the goddess Danaya.
Ganundin ang much-awaited Philippine franchise ng SBS Korea Original Running Man Philippines na mapapanood din ngayong taon.
Magdi-discover naman sila ng mga bagong mahuhusay na singer sa Sing for Hearts.