^

PSN Showbiz

Nikki, nasa healing stage pa rin sa pagkawala ng baby

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Nikki, nasa healing stage pa rin sa pagkawala ng baby
Nikki Valdez at Luis Garcia.

Taong 2018 nang magpakasal sina Nikki Valdez at Luis Garcia sa Hong Kong. Mula noon ay pinangarap na ng mag-asawa na magkaroon ng anak. Dalagita na rin ngayon ang anak ng aktres na si Olivia sa dating asawa.

Noong isang taon ay sinubukan nina Nikki at Luis na magkaroon ng supling pero nabigo ang mag-asawa. “May times pa rin na I keep thinking to myself na sabi ko dapat ba ginawa namin ‘yon or dapat ba hindi na lang? In-enjoy na lang namin kung ano ang mayroon kami. Because as everyone knows, I am very blessed to have Luis in my life as my partner in raising Olivia whom he considers his from the very beginning,” bungad ni Nikki.

Matagal na umanong ipinagdarasal ng mag-asawa na magkaroon ng anak pero hindi pa rin ito naipagkakaloob. “Talagang pinagdasal namin ‘yon. Pinag-usapan naming mabuti. And we felt that we were led to it. Everything, financially, emotio­nally. Sabi namin, ‘Why don’t we give it a try?’ And last year naman kasi uso ang lock-in so napaplano mo lahat,” pagbabahagi niya.

Labis na ikinalungkot ni Nikki ang nangyari noong isang taon. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nakaka-move on ang aktres sa pagkawala ng kanyang ipinagbuntis noon. “Ngayon nasa journey pa rin ako ng trying to pray for kung ano talaga ang path na gusto ni Lord na matahak ko. Let’s say ito ‘yung gusto ko, pero hindi naman ‘yon ang purpose Niya for me, then so be it. Nasa healing stage pa ako. There’s so many days na feeling ko hindi ko lang pinapansin. Pero ngayon no regrets at least sinubukan namin. Pero I pray for the total healing of my heart. At kung talagang si Olivia lang ang regalo sa amin ni Lord, I will accept it and I will forever and take care of Olivia, I mean kami ni Luis,” pagtatapos ng aktres.

Aga, pinaghahandaan ang pagbabalik-pelikula

Nakahanda na muling magtrabaho si Aga Muhlach ngayong taon. Hinahanap-hanap na umano ng aktor ang dating mga ginagawa sa harap ng kamera. “Right now med­yo work mode talaga ako. I just wanna work, really work and work. May mga panahon kasi minsan na nagtatanong ka na gusto ko pa bang magtrabaho. Or when you start taping, parang ito talaga ‘yung pagkatao ko eh. Artista talaga ako or mahilig talaga ako sa publiko. I like working with people. And I just hope it keeps on growing, keeps on growing,” pagtatapat ni Aga.

Isang pelikula ang pinaghahandaang gawin ng aktor. Para kay Aga ay talagang maitutu­ring niyang malaking proyekto ang kanyang posibleng gawin. “May naka-line-up naman ako bago mag-pandemic, naka-set up na ‘yon. So that’s gonna happen anytime but medyo may dumating sa akin na medyo big project siya as in super big. Kung matutuloy ‘yon I will shoot this year but if not, I will shoot next year na. Next year na ako gagawa ng pelikula para ‘yung theaters at ‘yung mga tao hindi na takot talagang pumasok sa sinehan,” paglalahad ng aktor. Reports from JCC

NIKKI VALDEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with