Bianca, ‘di atat sa beauty pageant
Hindi atat sumali sa beauty pageant si Bianca Umali.
Sa ganda nga naman niya, malakas sana ang laban niya.
Pero wala raw ito sa isip ni Bianca sa kasalukuyan lalo na nga at 5’4 lang ang height niya though puwede na ngayon ang ganung height.
At imbes na maging beauty queen, mas pangarap ni Bianca ang maging office girl.
“I believe po na isa sa mga pangarap ko ay mag-office work. Parang assistant secretary. ‘Yung parang abala as office work,” chika ng Kapuso actress kahapon sa virtual media conference ng Mano Po Legacy : Her Big Boss na starring si Bianca with Ken Chan and Kelvin Miranda.
Gaganap si Bianca rito as bubbly assistant habang si Ken ay geeky boss, while Kelvin is the perfect BF kung saan umamin siyang mas nahirapan siyang mag-comedy kesa mag-drama.
“Siguro po dahil doon ako sa na-trrain sa heavy drama, sa mabibigat na story doon ako nahubog, doon ang comfort zone ko.
“Ngayon naiba po ito, na-underestimate ko ang comedy. Hindi pala basta nakangiti ka or nakatawa, ‘yun na ‘yun. Ibang klase rin ng hirap at challenge ng comedy,” pag-amin pa ni Bianca.
Kaya talaga raw mas madali sa kanya ang gumawa ng heavy drama.
At ito rin ang dahilan kaya mas inidolo niya si Pokwang na kasama rin niya sa Her Big Boss kasi magaling si Pokwang sa drama at comedy. “Saka on and off cam matagal ko nang napapanood si Mamang at doon ko na-appreciate at mas inidolo siya,” dagdag pa ni Bianca.
This March na mapapanood ang Mano Po Legacy : Her Big Boss.
- Latest