Mas priority ni Myrtle Sarrosa ang kanyang career kesa sa lovelife.
Aniya, ayaw niya munang mag-focus sa lovelife.
Sa ngayon ay siya ang guest host sa iBilib at katatapos lang niya sa Wish Ko Lang.
Wish din niya na matuloy na ang isang teleserye na naka-schedule niyang gawin.
Though nasabihan na rin naman daw sila ng production na tuloy nga ang Love. Die. Repeat starring Jennylyn Mercado and Xian Lim na naudlot sa pagbubuntis ng una. “Last year nagsabi na rin sila na matutuloy kami this year, before the end of the year,” kumpirma ni Myrtle na more than a month na pala ang nakunan nila.
In fact, si Myrtle umabot pa raw sa week 8.
Pero hindi raw siya na-disappoint na naudlot ang nasabing teleserye.
In fact, genuinely happy siya sa pagbubuntis ni Jennylyn.
Bukod sa acting job and endorsements, big time gamer si Myrtle at active siya sa paglalaro.
At hindi na lang siya basta naglalaro ng crypto games, consultant na siya.
Samantala, tuluy-tuloy lang ang sisterly bond ni Myrtle at ng Sisters Sanitary Napkins and Pantyliners matapos mag-renew ng endorsement deal ang una sa Megasoft Hygienic Products Inc.
Sa loob ng anim na taon, naging katuwang si Myrtle at ang nasabing brand upang ipalaganap ang kahalagahan ng magandang edukasyon, gayundin, ang pagpapanatili ng tamang kalinisan sa katawan lalo na sa kababaihan.
Ayon kay Myrtle, na nagtapos bilang cum laude sa University of the Philippines-Diliman, malaki ang tulong ng Sisters para maipaabot sa mga kabataan ang kanilang layunin.
“We have inspired thousands of students, we have helped multiple schools and we have been a part of the movement to which we make school fun and award all the students and teachers for all that they do. Nakakatuwa din having the opportunity na tulungan ‘yun.”
“My little sister Myrtle embodies Sisters Feminine Care Brand tagline ‘School is cool’ since we started our nationwide campus tour in 2016. She sets the bar of an excellent role model for the young ones to finish their studies amidst challenges and juggling demands of show business,” says Ms. Aileen Choi Go, Megasoft’s vice president for sales and marketing.
At dahil sa COVID-19 pandemic, pansamantalang nahinto ang school tour campaign nila. Gayunman, hindi naman nito nahinto ang hangarin, kasama si Myrtle, para ipalaganap ang layunin ng kanilang programa sa mga kabataan.
Bagamat aminado si Myrtle na nami-miss niya ang mga personal interaction sa mga mag-aaral, masaya raw siya na patuloy pa rin ang pakikipagsalamuha sa kanila online. Aniya, “Sobrang nakaka-miss. During the pandemic, we did mga virtual meetups pero iba pa rin talaga if you see them in person.”