Jennylyn, hihintayin sa naiwang teleserye pagkaanak
Konti na lang ang magpa-pop up na ang tummy ni Jennylyn Mercado.
Thirty weeks na pala siya at looking normal ang actress na hindi in-expect na magkakaroon ng baby sa natural na paraan matapos nga silang magplano noon ni Dennis Trillo na magkaroon ng surrogate mother para sa kanilang first baby.
Pero biglang nalaman nilang preggy ang actress at two months from now ay manganganak habang nasa taping ng ginagawa nitong teleserye with Xian Lim.
At hihintayin diumano ng GMA na makapanganak si Jennylyn para sa napahinga nga nilang teleserye.
Itutuloy raw kasi ng network ang Love.Die.Repeat at hoping ang production na by September ay makaka-resume sila ng taping nito. Ito sana ang first project ni Xian sa GMA 7.
Almost 30% na raw nito ang na-shoot nila bago nabuntis ang actress.
By the way, isa pala sa magiging godmother ng baby girl nina Dennis at Jennylyn, si Marian Rivera.
- Latest