^

PSN Showbiz

Daboy, hilig noong magpa-party!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Daboy, hilig noong magpa-party!
Daboy
STAR/ File

Birthday kahapon ni Rudy Fernandez. At kung buhay pa siya ngayon, sure ako na merong party kahit pandemic, kasi mahilig sa crowd at kasama ang maraming friends.

Isa nga ang birthday niya sa malalaking occasion sa showbiz na inaabangan taun-taon. Biglang pumasok sa isip ko na ngayong pandemic hindi puwede ang big crowd, dahil meron pa rin cases, saan kaya siya magse-celebrate kung buhay siya? Bawal din ang pictorial na siksikan eh ang hilig ni RF sa kodakan.

Si RF siguro ang may pinakamaraming collection ng photos dahil very sentimental siya at mahilig sa collection. Kaya meron siyang napakaraming photos na nasa kanya.

Kahit saan kami mapunta tiyak na may kuha kaming photos. Kaligayahan niya na binabalik-balikan ang memories sa pamamagitan ng pagtingin sa photo album.

Isa na yata sa pinaka-sentimental na tao si RF, pati sa songs ang hilig niya sa mellow touch, very lumang tao ang dating. Nakaka-miss dahil isa sa mga paborito kong ‘anak-anakan ‘ si Rudy Fernandez, a true loyal dear friend.

Happy birthday in heaven, Daboy, pray for us and guide us.

Hingal maglakad...

Kahit walking distance ang simbahan sa bahay ko medyo nakakapagod ding maglakad. At talaga ngang sa edad na 75 (sa May) at sa katamaran ko, ‘yung walking distance na iyon sobra na ang hingal at pagod ko.

Buti na lang at maraming tricycle kaya sumakay kami ni Celia (kasama ko sa bahay), kundi hingal kabayo ang aabutin ko.

Naisip ko nga, siguro dapat humingi na rin ako wheelchair kay Gretchen Barretto at Ms. Rusky para ‘pag napagod ako sasakay ako ngwheelchair at itulak na lang ako ng kasama ko.

Talagang na-discover ko na mahirap na sa akin ang maglakad ng malayo noh, kaya paano ako mag-e-enjoy sa Korea at paano ko hahabulin sila Jo In-sung, Kim Woo-bin, Lee Joon-gi, Nam Joo-hyuk? Paano pa ako mag-Oppa hunting eh ang dali ko nang hingalin at mapagod?

Naku ha, ang dami ko pa namang hinanap na sponsors ng Korean trip, Salve at Gorgy, na willing pagbigyan ang request ko para lang ma-happy ako na hanapin ang  idols ko eh parang hindi na kaya ng katawan ko, big problem ito, huh huh huh.

Imagine mo na hindi mabibigyang katuparan ang bucket list ng isang senior citizen, meaning frustrated akong mag-journey sa heaven dahil hindi ko nakita ang mga Oppa ko sa lupa, huh huh huh.

Unfair, bakit kailangan na delayed ang discovery ko ng mga papable Oppa? Bakit noong younger ako hindi ko sila na-discover? Kung naiba sana ang aking kapalaran,  baka nakapag-asawa ako ng Korean at nagkaanak ako ng isang K-pop star, o kaya ay sa Korea ako nakatira ngayon at nakasuot ng Hanbok, bongga, ‘di bah!

Late bloomer fan na kasi ako, paano ko pa hahabulin ang idols ko, eh ang higpit pa naman ng mga security nila na ang maskulado pa ng katawan at sobrang higpit.

Naku hindi, kailangan matupad ko ang pangarap kong ito. Kesehodang magdusa ang mga kasama ko sa biyahe.

RUDY FERNANDEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with