^

PSN Showbiz

Industriya ng pelikula, susubukang bumangon!

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon

Kasabay sa pagsisimula ngayong araw na ito ng panahon ng Kuwaresma, makakapasok na muli ang mga tao sa mga simbahan.

Alert level 1 na kasi umpisa kahapon. Iyon ngang Octa Research na napansin lang naman noong nagkaroon ng pandemya, wala na ring mabilang kaya gumagawa na lang ng survey sa eleksyon, samantalang nabuhay lang sila sa panahon ng pandemya.

Magbubukas na rin ang mga sinehan, at bagama’t may ipinatutupad pa ring safety protocols, ibig sabihin buhay pa rin ang negosyo ng face mask, 100% nang maaari ang mga tao sa mga sinehan, basta raw bakunado. Ibig sabihin maaaring magsimula na ngang gumawang muli ng mga disenteng pelikulang Pilipino.

Iyan namang ginagawa nilang mahahalay na pelikula, ilalabas na lang nila sa internet dahil hindi naman puwede sa mga sinehan ang ganyan. Kaya ang internet stars, sa internet pa rin. Iyong mga tunay na aktor at aktres, babalik na sa pelikula na kailangang maganda ang kalidad para kumita oras na ilabas sa sinehan.

Isa ‘yang welcome development para sa industriya ng lehitimong pelikula sa ating bansa na sa loob ng dalawang taon ay hindi lang naghingalo kundi halos paglamayan na dahil sa napakahabang lockdown.

Ngayon tila muling isisilang ang industrya at tiyak na babalik na ang mga lehitimong manggagawa ng pelikula at ang amateurs na gumawa ng mahahalay na pelikula ay mako-confine na lang sa internet.

Babalik na rin ang telebisyon sa normal, wala na kasi ang restrictions. Ang hindi lang makakabalik nang totoo ay ang mga datihan sa ABS-CBN na biktima naman ng pagpapasara ng kanilang network.

Hindi naman kasi COVID ang dahilang ginamit sa pagpapasara sa kanila, pero hopefully magkakaroon naman ng maraming trabaho sa telebisyon kung mabubuksan nga ang Advanced Media Broadcasting System (AMBS) ni Manny Villar. Depende rin iyan kung makukuha nga niya ang ilang kinikilalang liders ng broadcast industry at technical support na kailangan nila.

Maugong na rin ang tsismis na ang ilang taga-ABS-CBN, na naunang tumalon sa GMA Network ay baka tumalon ulit kung magbubukas na nga ang Villar station.

May trabaho na rin ang singers, dahil puwede na ang concerts. Ang kalaban na lang nila ay marami pa ring walang trabaho dahil sa mga nagsarang kumpanya sa loob ng dalawang taong lockdown. Marami pa ring walang pera, pero may hanapbuhay na sila.

Magbubukas na rin ang comedy bars. May hanapbuhay na muli ang mara­ming komedyante, iyon ay kung hindi pa na-bankrupt talaga ang may-ari ng come­dy bars.

Magsisimula na ang pagbabago sa mukha ng entertainment industry sa bansa.

Anne, hindi naki­sali sa mga naging internet star ng pandemya

After two years, gusto nang bumalik ng aktres na si Anne Curtis. Magandang timing iyan para kay Anne dahil uso na naman tiyak ang matitinong pelikula. Kung nagbalik siya agad matapos na manganak, baka napagawa pa siya ng mga mumurahing pelikula sa internet at nasira pa ang kanyang image.

Basta sa internet hindi maaaring hindi haluan ng kahalayan eh. Kung si Sharon Cuneta nga na gumawa ng internet movie, nahalauan ng mahalay na eksena at dialogue ang pelikula na lalong nagpababa sa status ng kanyang popularidad.

Sa pagbabalik ng mga lehitimong pelikula, babalik na rin ang “star for all seasons” na si Vilma Santos.

Sa pagbabalik ni Ate Vi, magbabalikan na rin ang hukbo ng kanyang fans. Aba matagal na iyang inaabangan nila Jojo Lim, at natural magbabalikan na rin ang ibang hukbo ng fans ng mga lehitimong artista na hindi humalo sa mga mahahalay na pelikula sa internet.

Mga mahahalay na raket, maraming nabiktima sa social media

Bago tayo magtapos, isang warning lang. Napakaraming biktima niyang raket sa social media. Lalo na iyong posers na nagpapanggap na sila ay mga artista, tapos nangangakong magpapadala ng kanilang scandal matapos na padalhan ninyo sila ng pera sa pamamagitan ng cash transfer.

Huwag kayong maniniwala riyan dahil raket iyan. Iyon naman ang sinasabing source ay mga dating tumanda nang stars ng gay indie films, huwag na rin ninyong patulan iyan, hindi worth it.

Sa panahon kasi ng pademya, marami ang nagutom dahil sa lockdown, kaya nga gumagawa ng ganyan para maka-recover sa kanilang kabuhayan.

ANNE

OCTA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with