^

PSN Showbiz

Pulitikong may mataas na ambisyon, ayaw paniwalaan ng mga kababayan

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Kasabihan nang walang bayaning tinanggap sa kanyang sariling bayan. Sa ibang lugar ay puwede siyang dakilain, pero sa mismong pinagmulan niya ay hindi, dahil kilalang-kilala na siya mula ulo hanggang paa.

Ganu’n mismo ang nagaganap ngayon sa isang sikat na pulitiko, maraming political ads na nagpapalutang sa kagandahan ng kanyang puso sa pagtulong sa ating mga kababayan, pero hindi ‘yun pinaniniwalaan sa probinisyang kinalakihan niya.

Unang komento ng aming source, “Talagang hindi! Pinagtataasan nila ng kilay ang mga political ads ng kababayan nila, pinagtatawanan pa nga!

“Huwag daw tayong maniniwala sa mga pinagsasasabi niya, hindi raw totoo ‘yun, hindi raw siya karapat-dapat iluklok sa mataas na posisyon!” unang hirit ng aming impormante.

Maraming kababayan ng kilalang pulitiko ang hanggang ngayo’y may kani-kanyang kuwentong kipkip sa kanilang kalooban. Sariwa pa sa kanilang alaala ang mga malulungkot na istoryang ‘yun.

Sabi uli ng aming source, “Hindi siguro niya akalaing papasok siya sa ganito katinding laban! Hindi niya siguro naisip na marami siyang tinanggihang tulungan sa mismong lugar niya!

“Lalo na ngayong panahon na ng kampanya, buhay na buhay ang kanilang mga kuwento tungkol sa sikat na politician! May mga nagpupunta pala sa bahay niya nu’n para humingi ng tulong na hindi man lang niya pinagbubuksan!

“Matagal nang nakabilad sa initan ang mga kababayan natin, pero walang nagbubukas ng gate, samantalang nasa bahay naman siya! Maraming beses na nangyari ‘yun, deadma lang siya, kaya maraming hindi naniniwala sa laman ng political ads niya!

“Tapos ngayon, dahil lumalaban nga siya, e, ang dami-dami niyang binibitiwang pangako! Nasa puso daw niya ang pagtulong, maaasahan daw siya ng mga Pinoy, kaya siya ang karapat-dapat regaluhan ng boto ng mga kababayan natin!

“Ganu’n? Daang milyon ang pinangangakuan niya ngayon, samantalang ‘yung mga kababayan niyang humihingi ng tulong sa kanya nu’n, e, hindi niya naman pinapansin!

“Deadma lang siya, hindi man lang sabihan ang mga boy at kasambahay nila na papasukin ang nagmamakaawa ng ayuda! ‘Yun ba ang nangangako pang ipagpapatayo ng bahay ang mga Pilipinong walang tirahan?

“Naku, hindi lang niya maamin kahit ng mga alipores niya, sinisira kaya ang mga posters niya sa mismong lugar nila? Pinupunit ‘yun, dahil walang naniniwala sa mga ipinapangako niya!” inis na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Kim, nadale na naman ng bashers

Nadale na naman si Kim Chiu ng kanyang mga bashers dahil sa kanyang post na napuyat daw siya sa panonood ng giyerang nagaganap sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Ang ganda pa naman sana ng sinabi niya, mulat siya sa mga nagaganap sa mundo, hindi basta pag-aartista lang ang tinututukan niya.

Pero sumablay si Kim, sa Tiktok pala siya nanonood, hindi sa mga news programs na tulad ng CNN, BBC at iba pang nangungunang news network.

Du’n siya pinutakti ng pamba-bash, bakit daw Tiktok ang pinanonood niya? Alam daw naman niyang maraming fake news sa Tiktok? Mayaman daw naman siya, wala na siyamg intermet, para magkaroon siya ng tamang source ng balita?

Maraming nam-bash kay Kim na nagsabing nagpapaka-profound kasi siya, nagkukunwaring malalim at matalino, samantalang mababaw lang naman talaga siya.

Nakakaawa naman si Kim. Pero kung mga tamang programa ang kanyang tinututukan tungkol sa giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine ay malalaman niya na pananakop ang dahilan ng digmaang ito.

At kulang sa puwersa ang Ukraine dahil ang pangako ng Amerika at NATO na pagsaklolo sa Ukraine ay wala pa hanggang ngayon kaya ang mga sundalo lamang ng Ukraine ang lumalaban.

At malalaman din ni Kim na ang tunay na depensa ng maliliit na bansa ay ang kanilang mga sariling sundalo lang at hindi makakaasa sa pangako ng mga dayuhan.

At lalong matatakot si Kim kapag gumalaw na ang China sa pananakop sa ating bayan. Dedepensa nang solohan ang ating mga sundalong kulang na kulang habang naghihintay ng suporta sa NATO at iba pang kaalyadong bansa.

Walang nagagawang mabuti ang digmaan, lahat ng aspeto ay nawawasak, milyon ang mamamatay. Ang mga bata ang pinakakawawang nilalang kapag may giyera, ang mga musmos na walang alam, habang pinapatay at namamatay ang kanilang mga magulang sa mismong harapan nila.

Ang mga kababayan nating nagtatrabaho sa Ukraine ay inilikas na ng ating pamahalaan sa Poland, may ilan-ilan nang nakauwi, habang nakahanda na ring lumikas ang mga maraming OFW na nandu’n pa.

Harinawang matapos na ang giyerang ito, may mamagitan sanang mga lider ng bansa na tapusin na ang giriang ito, bago pa lumawak ang labanan na siguradong damay rin tayo dahil sa pagtaas ng presyo ng gasolina at bakal na sa kanila nanggagaling.

POLITICS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with