James, may collab sa K-pop singer at taiwanese rapper; Nadine, sinama ang BF sa Dubai Expo

James
STAR/ File

Lumabas na ang teaser ng collab ni James Reid sa Korean pop group – Got7 member na si Lim Jae Beom at sa Taiwanese rapper na si ozifp.

Kahapon ay inilabas nila ang teaser nito – #HelloLegendsOnly.

May talent agent sa US si James, Transparent Arts+Mgmt+Distro.

Nauna na ngang tinanggi ng kanyang ama, Malcolm Reid, na for good na ang pagpunta ni James sa Amerika tulad sa kumalat na speculations.

May recording lang daw ito doon at dadalawin ang kapatid na naka-base sa US.

At kung nasa Amerika ang actor, nasa Dubai naman si Nadine Lustre at kasama sa nag-perform sa Dubai Expo 2022.

At kasama niya sa biyahe ang boyfriend na si Christophe Bariou na nakunan ng ibang fans sa airport at sa Dubai.

Pero may ilang nakapansin na may suot na animo’y engagement ring si Nadine. Engaged na raw kaya sila ng boyfriend na isang businessman na naka-base sa Siargao?

Pero ang isang sure, buhay pa rin ang career ng JaDine dahil pinag-uusapan pa rin kahit kanya-kanya na.

Show comments