^

PSN Showbiz

Pepe, nadiskubre Ang pareho nilang hilig ni Piolo sa halaman at hayop

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Pepe, nadiskubre Ang pareho nilang hilig ni Piolo sa halaman at hayop
Pepe at Piolo
STAR/ File

Simula ngayong Sabado ay mapapanood na sa Kapamilya Channel ang My Papa Pi na pinagbibidahan nina Pia Wurtzbach at Piolo Pascual. Kabilang din sa naturang sitcom si Pepe Herrera na siyang gumaganap bilang kakambal ni Piolo sa bagong programa. Isang malaking karangalan umano para kay Pepe na makatrabaho ang dalawang bida at ang direktor nitong si Cathy Garcia-Molina para sa bagong programa. “Matagal ko na sila gusto makatrabaho. Si direk Cathy, gusto ko makatrabaho ulit kasi siya ‘yung first director ko sa TV, sa Forevermore no’ng 2014. After no’n hindi ko na siya nakatrabaho ulit. Tapos si Pia at saka si Piolo nakikita ko lang sa TV or sa ASAP, mga hi-hello lang. Naku-curious ako sa kanila eh. I want to get to know them and hopefully be friends with them. Nandito na nga, nagkatotoo na,” pagbabahagi ni Pepe.

Ayon sa aktor ay nadiskubre niya marami silang pagkakapareho ni Piolo sa kanilang sa mga interes. “Katulad ni PJ, mahilig ako sa halaman at saka sa mga hayop. ‘Yon lang inaatupag ko ‘pag walang trabaho. Pero siyempre, from time to time you want a break from routine, ang sarap ng creative outlet. Saka mahilig talaga ako sa tao eh. I’m very curious. Nae-energize ako ‘pag nakikipagkwentuhan at saka ‘pag may bagong nakikilala. Kaya I’m very, very excited. Eh sinabi ko matagal ko na siyang gusto makatrabaho,” paglalahad ng komedyante.

Naging stage actor muna si Pepe bago tuluyang napasabak sa telebisyon at pelikula. Para sa aktor ay hindi naman daw nagkakalayo ang galawan sa trabaho ng telebisyon at teatro. “Kasi sa training namin sa theater, it doesn’t matter kung maiksi ‘yung buhok or mahaba. Pwede naman mag-wig, pwede naman mag-costume. Pwede mag-transform through costume and makeup. Although sobrang blessing in disguise na maiksi ‘yung buhok ko ngayon at maiksi din ang buhok ni Papa P. Baka blessing in disguise or divine intervention,” pagtatapos ng aktor.

Jake, excited sa Cattleya Killer

Maraming proyekto na ang nagawa ni Jake Cuenca mula nang lumipat sa ABS-CBN noong 2008. Iba’t ibang karakter na ang nagampanan ng aktor mula noon kaya masayang-masaya sa takbo ng kanyang karera. “The highlight really began for me no’ng dumating ako sa ABS-CBN. Kasi before then, all those years being in the industry before I went to ABS-CBN it really just made me parang dream of these roles and these projects. I didn’t think I was ever going to be worthy enough or I didn’t think na magiging sapat na ‘yung ginagawa ko para makuha ‘yung gano’n na roles. Pero those dreams came true when I came to ABS-CBN. Parang nagtiwala sila sa akin and they banked on me,” nakangiting pahayag ni Jake.

Sa ngayon ay wala na raw mahihiling pa ang aktor pagdating sa mga ginagawang trabaho. Napapanood ang aktor bilang si Mayor Troy Ramones sa seryeng Viral Scandal na pinagbibidahan ni Charlie Dizon. “I’m already just very happy to be doing an international project with ABS-CBN right now. So for me rather than dreaming of the next role, I’d rather just focus on what I have and I’m just very lucky to be part of Cattleya Killer. I just want to make this as iconic as I can. Make it as original as I can and with that I’m already so grateful,” paglalahad ng binata. (Reports from JCC)

PAPA P

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with