Kapamilya stars, puwedeng mangampanya!
Kakaiba ang feeling nang tumapak kami sa ABS-CBN last Thursday afternoon para sa Kapamilya Strong 2022 event at 30th anniversary ng kanilang talent arm na Star Magic.
Melancholic. Na malabo nang bumalik sa dati.
Wala na ang mga dating convenience store, bank, coffee shops, restaurants at iba pang commercial establishments na nasa ground floor ng ELJ Building.
Bagama’t may may mga studio pang ginagamit sa mga show nila sa Kapamilya Channel, ABS-CBN digital channels, live streaming etc. pagkatapos nilang mawalan ng franchise, lungkot ang mararamdaman mo pagpasok ELJ.
Ito rin kasi ang kuna-unahang physical event with selected entertainment editors / writers ng network na nawalan ng franchise habang may pandemya kaya nakaka-emo.
Anyway, nanguna sa renewal ng contract ang OPM music icons na sina Regine Velasquez-Alcasid at Gary Valenciano, habang Star Magic artists pa rin sina Zanjoe Marudo, Erich Gonzales, Jake Cuenca, Jolina Magdangal, Loisa Andalio, Ronnie Alonte, Sam Milby, Shaina Magdayao, at Gerald Anderson.
Pumirma nga silang 11 ng panibagong kontrata nitong Miyerkules (Pebrero 23) sa Kapamilya Strong 2022 event na ginanap sa Studio 10 ng ABS-CBN, kung saan inilunsad din ang pagdiriwang ng ika-30 anibersaryo ng Star Magic.
“I’m very happy and very excited and very proud. That’s how I feel. I mean after the things that the network has been through, all of us, after all we’ve been through, parang I just feel (happy) to be called a Kapamilya,” pahayag ng Asia’s Songbird, na kasalukuyang guest host sa Magandang Buhay bukod sa pagiging mainstay ng ASAP Natin ‘To katulad ni Gary. Pero nilinaw na Regine na guest host pa lang siya kasi nga ay wala si Karla Estrada. “But I am having such a wonderful time working with Jolina and Melai (Cantiveros). Para lang akong naglalaro.”
Sabi naman ni Mr. Pure Energy, “’Pag sinabing Kapamilya, we are there for each other…Kahit na may mga ibang pagsubok na dumadapo sa isang pamilya, the fact is you are still a family. It’s a dynamic ng isang pamilya. Minsan may good times, minsan may hard times but in the end nakikita mo ‘yung value ng isa’t isa, value sa isa’t isa and you treasure that and then you carry it on.”
Matapos naman ang La Vida Lena, sasabak sa pinakamalaking proyekto si Erich pero walang sinabi kung ano ‘yun. Pero walang chance ang entertainment media na makausap si Erich sa nasabing event para sana tanungin tungkol nga sa diumano’y pagpapakasal niya sa rich non-showbiz boyfriend na si Mateo Lorenzo.
Samantala, sunod namang gagawin ni Gerald ang A Family Affair TV series at pelikulang To Russia with Love habang pasok sa international series na Cattleya Killer si Jake na napapanood ngayon sa Viral Scandal.
Bibida naman ang tambalang LoiNie nina Loisa Andalio at Ronnie Alonte sa teleseryeng Love in 40 Days, samantalang patuloy na magbibigay saya sina Jolina Magdangal at Shaina Magdayao sa kani-kanilang programang Magandang Buhay at FPJ’s Ang Probinsyano.
Kasama rin si Sam sa A Family Affair habang maghahatid pa rin ng gigil si Zanjoe sa The Broken Marriage Vow.
Nakasama nila sa pirmahan, na hinost ni Robi Domingo at napanood online sa iba-ibang digital platforms sina ABS-CBN chairman Mark Lopez, ABS-CBN president at CEO Carlo Katigbak, ABS-CBN chief operating officer of broadcast Cory Vidanes, ABS-CBN Group CFO Rick Tan, at Star Magic at ABS-CBN entertainment production head Laurenti Dyogi.
Ibinahagi naman ni Direk Lauren ang kanilang mga plano upang ipagdiwang ang tatlong dekada ng Star Magic kasama naman ang Star Magic artists at ang hosts na sina Edward Barber at MYX VJ Ai Dela Cruz.
This year aniya, dadalhin ng Star Magic ang ilang mga artista na ito sa mga kababayan natin abroad kasama ang TFC. Magbabalik din ang star-studded sports events, at ang pinakainaabangan na Star Magic Ball.
Pinaabangan din nila ang mga pelikulang gagawin ng Star Magic Studio kasama ang Star Cinema, Mavx Productions, at Regal Entertainment, at mga bagong musika mula sa Star Magic Records.
Samantala, after the presscon ay nakausap namin sandali si Direk Lauren at tinanong namin kung puwede bang makisali sa kampanya para sa presidential elections ang mga artista ng Star Magic. “I cannot endorse. I cannot influence, but the artist can choose on their own as a regular citizen kung sino ang gusto nila. Free will kasi that’s your right as a citizen of this country. Nasa kanila na talaga kung ano talaga ang gusto nilang panindigan at gusto nilang ikampanya,” aniya na hindi na namin nasundot ang tanong about Toni Gonzaga dahil parang ‘yun na ‘yun.
Importante rin sa kanila ngayon na tutukan ang mga artistang naging loyal sa kanila. “‘Yun muna ang focus of attention ko. Ayoko munang i-entertain ‘yung idea na may babalik eh that might not even happen,” sabi pa ni Direk Lauren tungkol sa mga umalis na baka rin nag-iisip na bumalik.
Sinagot din niya ang tungkol sa possible partnership with AMBS (Advanced Media Broadcasting System). Ayon kay Direk Lauren ginagawa na nila ‘yun sa kasalukuyan sa TV5 kaya open sa lahat.
Aminado rin siyang lumuwag ang mundo nila nang mawalan ng franchise “dahil ang focus namin ay hindi na lang free TV. Ang dami palang puwedeng gawin, there’s a global market now.”
Better naman kung i-describe niya ang revenue nila last year kumpara noong 2020 na napalaki diumano ng nalugi.
Pagpapagamot sa abroad ‘di pa natutuloy... Kris, mas pumayat pa!
Mas pumayat pa si Kris Aquino. Nakaka-bother pero ang maganda lang, wala siyang cancer, walang diabetes at normal ang function ng kanyang kidney sa kabila nang tambak niyang maintenance.
Nasa St. Luke’s BGC siya at kino-confirm kung gaano kalala ang health problems niya. The other night ay nag-post siya: “Marami akong health problems at present but para ma confirm how serious they are, kailangan unahin namin yung pinaka malaking hadlang, my allergies and my chronic urticaria. Hindi kasi alam how i’ll react to the dyes needed for tests like CT SCAN, MRI, and lahat ng may -gram sa ending.
“For us na lang yung autoimmune + other health issues ko, better for me to FOCUS on what’s GOOD: cancer is ruled out, kidney function is okay, sugar is fine (meaning no diabetes), and so far liver function is okay considering all my maintenance meds.”