Hindi naniniwala ang aming source na kapag gumagamit ng damo ang tao ay humihina ang kanyang memorya. Lalong hindi ito naniniwala na nakakapangayayat ang damo.
Isa pang hindi nito pinaniniwalaan ay namumula kuno ang mga mata ng gumagamit ng damo. Hindi na nito pinaniniwalaan ang mga sabi-sabi, talagang hindi, dahil merong basehan ang aming impormante.
Unang hirit ng aming source, “Naku, nasa sanayan na lang ‘yan! Anong namumula ang mga mata? Waley! Napakalinaw ng mga mata niya kahit kahihithit lang niya ng grass!
“Hindi rin siya nangangayayat, maganda nga ang katawan niya, lalaking-lalaki ang dating niya!” madiing komento ng aming source.
Ang tinutukoy nito ay ang kilalang male personality na palaging nagbibida sa kanyang mga proyekto. Kilalang-kilala siyang magaling umarte.
Patuloy ng aming impormante, “Anong humihina ang memory ng nagdadamo? Napapanood n’yo naman siya sa mga ginagawa niyang serye, pagkahahaba ng mga dialogues niya, di ba?
“At may acting pang kakambal ang super-haba niyang mga linya! Hindi naman pumupurol ang memory niya, mas nagiging retentive pa nga siya!
“Kaya hindi na kami naniniwala na kesyo pumapayat daw ang gumagamit ng grass, humihina raw ang memory, ganu’n ba ang male personality na dekada nang gumagamit ng damo?
“Hindi nga siya makaarte nang maayos kapag hindi siya humihitit ng mogs! Kailangan niya ‘yun para magawa niya nang maayos ang trabaho niya! Para ngang ‘yun na ang vitamins niya, e! Alam ng mga co-stars niya na ‘yung paggamit ng damo ang sikreto sa magaling niyang acting!” pagpapatotoo pa ng aming source.
Ang tanong, pinagagamit din kaya ng grass ng kilalang male personality ang matagal na niyang karelasyong pamosong aktres, pinatitikim din kaya niya ang girl ng usok?
Sabi ng aming source, “Puwede! Sa tagal na nilang magkarelasyon, e, may mga time din sigurong sabay silang nagdadamo! Magaling din kasing umarte ang girl, di ba?
“Ewan lang kung sa mga panahong ito, e, papayagan niyang magpausok ang female personality, baka kasi bawal! Silang dalawa na ang nakakaalam kung puwede silang mag-shotgun ngayon, sa totoo lang!” naguguluhang pagtatapos ng aming impormante.
Ubos!
Nadiskubre na ang mabibisang gamot para pagalingin ang mapamuksang virus na nagpapahirap sa buong mundo ngayon. Marami nang pagpipilian bukod sa mabisang bakuna.
At gumagaling ang mga kinakapitan ng virus, pababa na nga nang pababa ang numero ng mga nagkakaroon ng COVID-19, kaya nagkakaluwagan na sa maraming lugar na dating sobrang higpit at binabantayan.
Tanong ng isang kaibigang tumawag sa amin kahapon nang umaga na nagpahalakhak sa amin. May naimbento na rin daw kayang nakapagpapagaling na gamot para mipamahagi sa mga tagahanga nina Alden Richards at Maine Mendoza?
Sabi ng aming kausap sa kabilang linya, “Meron din kayang madidiskubreng gamot o bakuna para sa mga members ng AlDub na naniniwalang may anak na sina Alden at Maine?
“Naglalabas pa sila ng mga pictures ng batang lalaki, ‘yun daw ang anak nina Alden at Maine, Theo raw ang name ng bata!
“Nakakaalarma ‘yun! Kailangan na nilang magising sa katotohanan na ilusyon lang ang mga pinagsasasabi nila! Nasaan ang bata kung totoo nga!” naiinis na sabi ng aming kaibigan.
Natawa kami. Tama ang aming kausap, may mga tagasuporta nga sina Alden at Maine na mula nu’n hanggang ngayon ay naniniwalang nagkaanak ang kanilang mga idolo.
Ni minsan ay hindi naman natin nakitang lumaki ang tiyan ni Maine, wala rin silang maiturong ospital o bahay kung saan ipinanganak ng Dubsmash Queen ang sanggol, saan kaya sila humuhugot ng lakas ng loob para panindigang nagkaanak sina Alden at Maine?
Ano ba ito? Katulad ng kuwento ilang taon na ang nakararaan na may nakakulong sa basement ng isang kilalang mall na katawan ng tao ang kalahati at ahas naman ang bandang itaas?
Sabi uli ng aming kausap, “Bakit hindi kausapin nina Alden at Maine, once and for all, na ilusyon lang ang lahat? Baka sakaling makinig sila sa mga idolo nila?
“Maling kuwento ito, wrong signal ito, magising na sana sila sa katotohanan na ipinagbubuntis ang binhi nang siyam na buwan! E, may nakakita ba naman kay Maine na buntis siya?
“Nakakaawa naman sila! Gumagaling ang nagkakaroon ng virus, pero sila, parang hindi nila kayang kumalas sa ilusyon na nagkaanak ang mga idols nila! E, ni hindi nga naging magkarelasyon sina Alden at Maine, di ba?
“Bakit hindi nila matanggap na pangharap lang ng camera ang sweetness ng mga idolo nila? Haaaay! Wala ngang gamot sa ilusyon at halusinasyon!” parang pagsuko na ring komento ng aming kaibigan.