Hinihiritang bumida sila ni Gerald sa 50 Shades of Grey
Napahubad ni direk Brillante Mendoza si Julia Barretto sa pelikulang Bahay na Pula ng Vivamax na mapapanood sa streaming app sa darating na Biyernes, Feb. 25.
Nagkaroon ng press preview ang naturang pelikula na dinaluhan nina Julia at Marco Gumabao. Nasa pelikula rin si Xian Lim, pero hindi siya nakadalo sa ginanap na press preview.
Horror ang pelikulang ito na kinunan ang halos kabuuan sa Pola, Oriental Mindoro.
Hindi ko idedetalye ang eksenang ginawa niya, pero meron siyang kuhang panty lang ang suot, at meron din siyang rape scene na ngayon lang din niya nagawa.
Sabi nga ng aktres, itong Bahay na Pula ang kinu-consider niyang horror movie na nagawa niya. Kinu-consider niyang action-thriller at may pagka-fantasy ang Block Z nila noon ni Joshua Garcia.
Ngayon ay kakaiba rin daw dahil naidirek siya ni Brillante Mendoza at marami siyang natutunan sa kakaibang style ng Cannes Best director.
Sabi pa ni Julia, handa na siya sa mas daring na pelikula kung talagang kinakailangan sa isang project na ipinagkatiwala sa kanya. “You know we’re growing old and we’re growing up and if I wanna be really committed and passionate to my craft. It’s a jump that I have to take,” pakli ng aktres kaya hiniritan na magbida sila ni Gerald Anderson sa local adaptation ng Fifty Shades of Grey.
Pero meron na nga raw siyang nagawang isa pang pelikula na medyo daring din, kaya kahit gradual lang, sa tingin niya ay magagawa niya ang isang proyektong walang limitations.
Dagdag pa niyang pahayag; “I recently just did the film also called Expensive Candy, and I think that’s another film that required a lot of just courage and bravery. So, paunti-unti, nakakagawa na ako ng pelikula katulad ng ginawa ni Marco Gumabao.
“It’s not always doing about love scenes, about doing things for the first time. It’s just always being brave and courageous. I just wanna as much as possible be willing and be committed to the craft that I committed myself to.
“Ayoko rin namang masyadong magkaroon ng limitations kasi siyempre, parang binibigyan ko rin ng limitations ‘yung mga taong nasa likod ng creative process ng pelikula. So, you have to give them that trust because they’re giving me the trust and malaking bagay kasi sa akin ang pinagkakatiwalaan ako. So, as much as possible, pinahahalagahan ko yun, iniingatan ko ‘yun.
“So, ‘yun talaga, tumatanda na rin ako eh. Wala na akong excuse na ‘ayoko. Hindi na cute kasi kung gawin ko pa ‘yun. So. Marco is the goal.”
Kinakantiyawan naman kasi nila si Marco rito dahil ang kakaiba naman sa kanya sa pelikulang ito ay hindi siya naghubad. Kahit topless man lang ay wala, at wholesome na wholesome siya rito. “Like what direk said, he wanted something different for my role sa pelikula namin,” pakli ni Marco.
Dagdag pa niyang pahayag; “Ako naman, like what Julia said, hindi naman parating may love scene na magtanggal ng T-shirt ‘di ba? Of course, we want to… ‘yun nga.’yung craft namin. Gusto namin ipakita kung ano ‘yung maibigay namin na iba.”
Pero hindi ibig sabihin, tapos na siya sa paghuhubad. Open pa rin naman siya sa mas daring na pelikula kung sakaling mabigyan siya ng magandang project na kailangan pa ring maghubad.
Mga eksena ni JC sa mamasapano, natapos na lahat
Ang laking hirap din ng pinagdaanan ng Borracho Films sa pelikula nilang Mamasapano: Now It Can Be Told.
Kung hindi ako nagkamali, pangatlong direktor na nila si direk Lester Dimaranan, na finally natapos na rin nila at nasa post production na ito ngayon.
Pero ang dami nilang natapong eksena ni JC de Vera na pinalitan na ni Paolo Gumabao.
Hindi kinaya ni JC na mag-shoot sa available na schedule nila, na ayaw lang ni Atty. Ferdie Topacio sabihin ang dahilan. Pero naintindihan naman daw nila, kaya napilitan silang kunin si Paolo bilang kapalit sa role. “Marami kasi ‘yung kay JC. Pero hindi naman namin sinisisi si JC kasi valid naman yung reason kung bakit hindi siya nakagawa.
“Maganda naman ‘yung reason… since hindi naman namin siya mahintay, ang sabi niya baka puwede siya mahintay. Pero hindi namin siya mahintay kasi ‘yung window mawawala eh.
“Napakarami kasi nung cast, yung window, Jan. 3 to 14 lang. Kung iuurong nang konti, lalampas na,” pahayag ni Atty. Ferdie Topacio.
Mabuti at finally, natapos na nila ang principal photography, pero wala pa silang nakuhang playdate dahil mas gusto sana nilang ipalabas ito sa mga sinehan.