^

PSN Showbiz

Badjao girl, laglag na sa Sexy Babe!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Badjao girl, laglag na sa Sexy Babe!
Rita Gaviola.

Pursigido itong si Rita Gaviola na mas kilalang si Badjao girl ng Pinoy Big Brother na pa­sukin ang beauty pageants.

Sumali siya sa Showtime Sexy Babe ng It’s Showtime at naging daily winner siya.

Pero pagdating sa weekly finals nung nakaraang Sabado ay hindi na siya nagwagi.

Siya ang inabangan ng karamihan kung matutuloy-tuloy niya ito, pero unfortunately, hindi niya ito nakuha.

Sina Ruffa Gutierrez, Chie Filomeno at RK Bagatsing ang judges, at siya ang nakakuha ng pinakamababang score.

Parang mas mababa raw ang energy niya nung araw na iyun sabi ni RK. “Based from the other day, ang taas ng energy mo. Ngayon naman parang medyo…mababa lang, although siyempre, everything is a learning experience.

“So, kung pinansin ka before na medyo lampas, ngayon, calibration lang ang balance. Kasi natutuwa ako sa ‘yo last time, e. Siguro, kaya ka rin nag-trending, di ba?” pahayag ni RK.

Si Rita ang pinakamaliit na kandidata nung Sabado, pero hindi ito hadlang sa pangarap niyang maging beauty queen.

Ang narinig namin, balak din daw niyang magpa-audition para sa Miss Universe-Philippines.

Sa ganitong paraan ay gustong baguhin ni Rita ang pagtingin ng mga tao sa mga katutubo.

“Ang tingin nila sa amin mahirap. Tapos, Badjao, yung skin namin hindi naaayon sa skin nila. Kaya naman ako sumali para ipakita sa kanila hindi porke’t Badjao tayo, mamaliitin na lang tayo ng ibang tao.”

AlDub, bumalik ang lakas ng chemistry

Sa Eat Bulaga naman nung nakaraang Sabado ay nabuhay at tuwang-tuwa ang mga AlDub fans dahil nagkasama roon sina Alden Richards at Maine Mendoza.

Kahit hindi sila nagpapakilig para sa kanilang loveteam, iba pa rin talaga ang chemistry nilang dalawa.

Naglaro lang sila ng Trip to Jerusalem kasama ang ibang Dabarkads, nakakatuwa pa rin silang panoorin.

Kaya nakikita namin sa Tiktok ang dance number nilang dalawa na sinasabi ng mga fans na sana magkasama pa rin sila sa mga susunod na production numbers ng Eat Bulaga.

Uge, ‘di hinanap ng viewers

Mataas ang rating ng programang The Best Ka! na hinu-host ni Mikael

Daez.

Ito ang ipinalit sa timeslot ng Dear Uge na katatapos lang.

Mukhang maiksi na lang talaga ang atensyon ng mga manonood.

Mas gusto nilang maiksi lang at babalik na lang ang next season kapag naghi-hit ito.

Gusto nilang bago lang nang bago ang napapanood nila sa TV.

vuukle comment

RITA GAVIOLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with