False... nina Xian and Glaiza, true na nagkaproblema sa title?

Xian at Glaiza
STAR/ File

True bang sa title nakaproblema ang mini-series sana nina Xian Lim and Glaiza de Castro na False Positive sa GMA 7?

May kapareho raw itong title kasi na foreign series – horror / thriller noong 2021. Na I doubt naman.

Ready for airing na raw ito pero biglang na-hold ayon sa usap-usapan.

Ito na ang second program ni Xian na naudlot sa GMA 7.

Nauna na ang serye sana nila ni Jennylyn Mercado na kasalukuyang preggy at nadiskubre noong nagti-taping na sila kaya ‘di na itinuloy.

Nagsu-shooting na uli si Xian ng digital movie with Ryza Cenon na Muli at naka-lock in daw sila sa kasalukuyan.

Show comments