Mas pinalawak ng GMA Regional TV ang coverage nito sa Southern Luzon sa pamamagitan ng paglulunsad ng ika-11 na regional station nito na GMA Batangas at pagpapakilala ng bago nilang flagship newscast na GMA Regional TV Balitang Southern Tagalog.
Available sa GMA TV 12, ang GMA Batangas ang ikaapat na Kapuso regional station sa Luzon sunod sa GMA Dagupan, GMA Ilocos, at GMA Bicol.
Dahil dito, mas marami pa umanong viewers ang maaabot ng Network sa Batangas, Quezon, Laguna, at iba pang bahagi ng CALABARZON.
Simula nga nitong Pebrero 14, sabay sa paglunsad ng GMA Batangas ang pag-ere ng GMA Regional TV Balitang Southern Tagalog.
Pinangungunahan ito ng mga anchor nito na sina Ivy Saunar-Gasang at Ace Medrano, mapapanood ito mula Lunes hangang Biyernes sa ganap na ika-5 ng hapon.
Ang GMA Regional TV Balitang Southern Tagalog and ikapitong flagship newscast mula sa GMA RTV kasunod ng paglulunsad ng mga local newscast na GMA Regional TV Balitang Amianan (North Central Luzon), GMA Regional TV Balitang Bicolandia (Bicol), GMA Regional TV Balitang Bisdak (Central and Eastern Visayas), GMA Regional TV One Western Visayas (Western Visayas), GMA Regional TV One Mindanao (North, Central, South Central, at Southern Mindanao), at ang flagship national newscast nito na Regional TV News.
“We are proud to introduce GMA Network’s latest regional station GMA Batangas and GMA Regional TV’s newest flagship newscast, ‘GMA Regional TV Balitang Southern Tagalog.’ With GMA Batangas, we further strengthen the reach of the country’s leading Network to more viewers in Batangas, Quezon, and Laguna. ‘GMA Regional TV Balitang Southern Tagalog,’ in turn, stays true to our motto ‘Local news matters.’ It brings viewers in Southern Luzon the latest news and information that are close to their hearts,” pagbabahagi ni GMA Regional TV and Synergy First Vice President and Head Oliver Victor Amoroso.
Nagpahayag din ng pasasalamat si Amoroso sa pamunuan ng GMA Network sa pagsuporta sa pinakabagong milestone na ito.
“We are grateful to GMA Network Chairman and CEO Atty. Felipe L. Gozon and GMA President and COO Gilberto R. Duavit, Jr. for trusting GMA Regional TV through the years. We are with them in their goal of giving back to our true bosses – our viewers,” dagdag niya.
Mapapanood ang GMA Regional TV Balitang Southern Tagalog, Lunes hanggang Biyernes, 5 p.m. via GMA TV-12 Batangas sa free TV and GMA Affordabox.