Pia, four years ‘di umarte!
Apat na taon na ang nakalilipas nang huling napanood sa Pia Wurtzbach na umarte sa harap ng kamera para sa pelikulang My Perfect You. Ngayon ay magbabalik na sa pag-arte ang dalaga. Makakatambal ni Pia si Piolo Pascual sa My Papa Pi na mapapanood na simula ngayong March 5 sa Kapamilya Channel. “Hindi ko talaga siya in-expect. Parang nandiyan na ‘yung project tapos ‘yung araw na sinabi sa akin na merong inquiry para makasama ako sa sitcom, nag-decide din ako no’ng araw na ‘yon na gagawin ko siya. Kasi sumakto din na may time ako and I was able to move stuff around to make time for this shoot.
Nandito rin naman ako sa Pilipinas so sakto na. Sobrang grateful ko na ako ‘yung napili nila na makasama dito. Nakasama ko rin si Papa P after many, many years,” paglalahad ni Pia.
Si Cathy Garcia-Molina ang direktor na bagong sitcom kaya talagang hindi raw nagdalawang isip ang Miss Universe 2015 na tanggapin ito. “No’ng nalaman ko na I’ll have the opportunity to work with direk Cathy again and Papa P, and Papa Pe (Pepe Herrera), nag-yes ako right away. As in no’ng araw na ‘yon na tinanong sa akin. Nag-usog na ako ng mga dapat na work ko ng ibang araw. Nag-make way ako para magawa ko siya. Kasi parang kailan pa mangyayari ito na matatawagan ka tapos mapipili ka to work with them on a sitcom,” pagbabahagi ng beauty queen-actress.
Vice, walang paki kahit ‘di ma-acknowledge ang kasal nila ni Ion sa Pilipinas
Ikinagulat ng marami nang mabalitaang nagpakasal na sina Vice Ganda at Ion Perez. Sa Amerika raw naganap ang kasalan noong October 2021. “Nag-concert ako sa Amerika tapos nagkataong anniversary din namin. Tapos nagpunta kami ng Vegas. Eh ‘di ba gano’n naman ang mga ganap-ganap doon sa Vegas. It’s either magsusugal ka or magpapakasal ka. Buti nga merong slot doon sa pinuntahan namin sa Las Vegas chapel. Kasi kung hindi, hindi namin magagawa. Sobrang spontaneous no’n, tapos wala kaming damit, so naghiwalay kami (para bumili) at singsing-singsingan sa Aldo, five dollars. Parang dineadma ko na‘yung pangarap ko na bongga ‘yung singsing ko, bongga ‘yung damit ko. At this point kahit walang tao, wala na‘yung mga kaibigan ko, ang mahalaga na lang kami, nandoon siya nandoon ako. Tapos sasabihin na natin ‘yung gusto nating sabihin,” kwento ni Vice.
Inamin din ng Unkabogable Phenomenal Box-Office Superstar na nangyari umano ang kanilang engagement ni Ion dalawang taon na ang nakalilipas. “Nag-propose si Ion sa akin, Feb. 21, 2020, sa tulong ni Jugs (Jugueta) at Teddy (Corpuz), wala pang pandemic. As in lahat ng videos ng mga kaibigan namin pinabura ko talaga. Kasi ayokong lumabas. Tapos umiiyak siya (Ion), sabi niya, ‘Bakit ayaw mong sabihin sa kanila?’ Sa lahat tinago ko, sobra akong takot na bababuyin lang ng tao itong isang bagay na napakaganda para sa atin. Sabi ko, tama na ‘yung tayong dalawa na lang ang nakakaalam. Malalaman ng iba babastusin lang nila, bababuyin, pagtatawanan, gagaguhin kaming dalawa. Ayaw ko, masakit ‘yon para sa akin. Kaya sabi ko sa ating dalawa na lang,” pagdedetalye ng komedyante.
Matatandaang nabanggit noon ni Vice sa kanyang mga pahayag na hindi niya nakikita ang sariling magpapakasal. Nagbago raw ang pananaw ng It’s Showtime host dahil sa pagmamahalan nila ni Ion. “Kapag may nagtatanong sa akin kung ano ang masasabi ko sa same sex marriage, ang sinasabi ko, kung gusto ‘yan ng ibang tao, happy sila doon, give ko sa kanila, go. Pero sa akin it’s not for me. Hindi ko ‘yun nakikitang gagawin ko. Pero no’ng nag-propose si Ion, gustung-gusto ko na. Sabi ko gusto kong maranasan sa kanya. Tapos sabi ko, ‘Minsan lang ‘to mangyayari sa buhay ko, gusto ko ito ‘yung pinakabonggang kasal na makikita sabuong Pilipinas. Sabi ko nga kahit hindi siya ma-acknowledge sa Pilipinas, wala akong pakialam. I just want to celebrate our love for each other sa harapan ng mga taong nagmamahal sa amin, sa mga fans namin,” paliwanag ni Vice.
(Reports from JCC)
- Latest