^

PSN Showbiz

‘Di pini-flex ang rich fiance…

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Yayamanin ang pamilya ng fiance ni Erich Gonzales na si Mateo Lorenzo at sa interview ng dad nito na si Martin Ingacio Lorenzo, nabanggit na may 18 companies sila. Hindi na kasama rito ang Pancake House na kanilang ibinenta sa Max’s Group of  Companies.

May share rin ang Lorenzo family sa Central Azucera de Tarlac na tama ba kaming pagmamay-ari ng mga Cojuangco?

Erich will be marrying into a big family dahil 12 palang magkakapatid sina Mateo na apo pala ng sikat na basketball player noon na si Moro Lorenzo.

Sinilip namin ang Instagram ng isang kapatid ni Mateo at kung bahay nila sa Ayala, Alabang ang nasa background ng photo nito, ang laki ng bahay.

Makikita rin sa photo ng brother ni Mateo ang garahe nila at makikita ang maraming sasakyan at nasa tabi nito ang isang BMW at masisilip sa likod ang isang SUV at sports car.

In fairness kay Erich, hindi pine-flex ang rich fiance at wala ngang litrato nito sa kanyang Instagram.

Mga cast ng first lady, solid ang friendship

Ang solid ng cast ng First Lady, lalo na ang mga babae at dineklara na nila sa First Yaya pa lang na hindi lang sila “taping friends” na ibig sabihin, hanggang sa taping lang ang friendship dahil nagkikita pa rin sila after ng taping.

Lalong naging close ang grupo nina Sanya Lopez dito sa First Lady at winelcome nila sina Alice Dixson at Divine Aucina. Kasama na ang dalawa sa mga TikTok ng grupo, sayang at wala si Alice sa latest dance TikTok nila, we want to see pa naman a dancing Alice.

Anyway, may post si Kakai Bautista about friendship na sinabing, “I want clingy friends kase I feel  that I am needed. Kase kapag kaibigan mo ako, WALANG MAKAKA-API sayo. Pwede mo akong bigyan ng LOYAL­TY award. Pwede kong baligtarin ang mundo para sayo. TOTOO yan. Confident ako. So I decide who to keep. Lord, let me keep them. Grabe iba yung 2 taon na kayong magkakasama sa lock-in. Iba ang impact sa buhay kulang na lang sabay-sabay kaming maligo! I LOVE YOU Dears.”

Mga baguhang Kapuso stars, may raket agad

Ang swerte ng newcomers na sina Vanessa Peña at Anjay Anson dahil after ng kanilang audition sa Sparkle GMA Artist Center, may project na agad sila. Hindi na lang sila pa-guest-guest sa show ng GMA 7, may teleserye na sila. Kasama sila sa cast ng suspense serye na Widows’ Web na world premiere na sa Feb. 28.

Hindi namin nakuha ang role ni Vanessa, pero si Anjay, gaganap na anak ni Carmina Villarroel at pamangkin ni Ryan Eigenmann. Ang dami niyang makukuhang tips on acting just by observing the two.

Kabado ang dalawa sa first few days ng taping, pero mabilis ding nawala ang kaba at nerbyos nila dahil mababait daw ang cast at tinutulungan sila kapag nahihirapan sa kanilang mga eksena.

ERICH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with