Wow nag-shrink na ang boobs ni Jake Zyrus.
Yes, hitsurang lalaki na nga ang katawan niya na pinagpiyestahan sa social media kahapon matapos nitong i-flex ang selfie ng hubad na katawan sa kanyang Facebook account habang nagto-toothbrush.
Wala na raw siyang pakialam sa iisipin ng iba basta ‘yun siya.
“Una sa lahat salamat sa lahat ng napakaganda nyong comments sa version ko ng Maghintay Ka Lamang (kanta niya). Mahal ko kayong lahat,” umpisa niya.
“Pinag-isipan kong maigi kung ipo-post ko ba ‘to. Kasi lagi kong iniisip kung anong sasabihin ng ibang tao. Sa ilang taon na nag-transition ako, masaya ako sa naging takbo ng buhay ko, pero lagi parin akong nai-insecure sa katawan ko. Siguro dahil na rin sa standard ng karamihan.
“Pero ngayon, palalayain ko na lahat yun. Pagtawanan mo o hindi, hindi mo alam ang sakit, iyak at mga dugo na pinagdaanan ko bago ako nagkaroon ng confidence na buong buo ko i-post ito,” kumpisal niya.
“Masaya ako at gusto ko lang ipakita sa inyo na eto ako. Sa wakas, komportable sa nakikita ko. Hindi ako humihingi ng opinyon. Para ito sa mga kapwa ko transgender. Kung naghahanap kayo ng sign o confidence para ipakita at maging proud sa kung sino ka, tara sasabayan kita. Para sayo to.
“Kung hindi ka man handa pa, okay lang din yun. Lahat yan may tamang panahon.
“Well. This is me guys.
“Mahal ko kayong lahat.
“Jake”
Dahil ‘dun tuluyan na ngang nabaon sa nakaraan si Charice.