^

PSN Showbiz

Badjao Girl, pangarap sumabak sa Miss Universe

Pilipino Star Ngayon
Badjao Girl, pangarap sumabak sa Miss Universe
Rita Gaviola.

MANILA, Philippines — Ipinamalas ni Badjao Girl at PBB Lucky Season 7 ex-housemate Rita Gaviola ang galing sa pagrampa at talino sa pagsagot sa mga katanungan sa pagkapanalo niya bilang daily winner ng Showtime Sexy Babe ng It’s Showtime nitong Huwebes (Peb. 17).

Ayon kay Rita, sumali siya sa contest para baguhin ang tingin ng mga tao tungkol sa mga Badjao.

“Gusto kong ipagmalaki sa buong mundo ang kakayahan ng isang katutubong Badjao na katulad ko. Ipapagmalaki po namin ‘yung tribo namin na hindi porke’t ganito ang tingin nila sa amin ay wala na kaming kaya.Kami, karamihang mga Badjao, nabu-bully dahil hindi nakapag-aral ‘yung karamihan tulad po ng parents namin,” pagbabahagi niya.

“Maraming kabataan na tulad ko na magaganda ay hindi nakikita kasi nasa bahay lang sila. Parang nahihiya sila, nai-insecure sila sa sarili nila, na, ‘Bakit ganito ako? Bakit ganito ang kulay ko?

“Ang tingin nila sa amin, mahirap. Tapos, Badjao, ‘yung skin namin hindi naaayon sa skin nila. Kaya naman ako sumali para ipakita sa kanila hindi porke’t Badjao tayo, mamaliitin na lang tayo ng ibang tao,” saad niya.

Ibinahagi rin niya ang mga nangyari sa kanya matapos lumabas ng Bahay ni Kuya.

“Pagkatapos ko lumabas ng PBB, nag-back to school po ako para makahabol sa mga naiwanan kong subject tapos na-realize ko na pwede pala pagsabayin. Habang nag-aaral ako at least may extra income ako at hindi ko na kailangan humingi sa magulang ko. Makakatulong pa ako sa kanila,” saad niya.

Bukod nga sa pagsali sa Showtime Sexy Babe, sinabi rin ni Rita na gusto niyang sumali sa Miss Universe balang araw.

Samantala, dahil sa ipinamalas niyang kumpiyansa sa sarili at galing sa pagsagot ay napukaw niya ang loob ng Sexy Authoriteam na sina Ruffa Gutierrez, Chie Filomeno, at RK Bagatsing at nakakuha ng 94.7% combined score para maging daily winner sa araw na iyon at babalik sa Sabado (Peb.19) para sa weekly competition.

Ang Showtime Sexy Babe ay ang bagong segment ng It’s Showtime kung saan mapapanood ang angking katalinuhan, talento, at kasesksihan ng mga single na Pilipina. Sa naturang segment, dalawang babae ang maglalaban-laban sa tatlong rounds na Ooh La-Lakad, kung saan rarampa sila sa stage suot ang kanilang mga bikini, ang Hot-tanungan,  kung saan bibigyan sila ng isang tanong na kailangan nilang sagutin, at Final Women-sahe, kung saan magbabahagi sila ng kanilang mga nagustuhan sa kanilang kalaban.

 

 

vuukle comment

RITA GAVIOLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with