Inamin ng maybahay ni Sen. Koko Pimentel na si Kathryna Yu-Pimentel ang hirap na pinagdaanan niya nang ipanganak ang panganay nilang si Helena nu’ng kasagsagan ng Covid-19 pandemic.
Sa pakikipagkwentuhan sa ilang entertainment press sinabi niyang na-trauma siya dahil akala niya ay mamamatay na siya nu’ng panahong iyon.
Actually, umabot pa raw siya sa puntong nagbilin na siya sa mister na senador na kung kailangang mamili sa kanila ng panganay nilang anak, ang piliin nito ay ang kanilang baby. “Ang life natin is puwedeng kunin sa atin anytime so we have to make the most of it and as much as possible, tumulong tayo sa tao,” ayon kay Mrs. Pimentel na sumabak na rin sa pulitika (first nominee sa PDP Cares Partylist)
Isa pang hindi niya makalimutang bahagi ng panganganak ay nang hindi niya agad nakasama ang anak. Inuwi raw muna ito ng kanyang ina para alagaan at hindi mahawa ng virus.
Ngayon ay malusog na malusog si Helena at thankful sila na hindi nagkakasakit dahil talagang tyinaga niya raw ang pagpapa-breastfeed. At pakiramdam niya, nakuha niya ang antibodies dahil nga sa pagpapadede niya.
At hindi lang si Helena ang nakinabang sa gatas niya. Sa rami raw ng gatas niya, namigay pa siya sa ibang mommy na walang gatas para mas tumibay ang kanilang mga anak laban sa sakit.
Dahil sa mga pinagdaanan niya, maraming naging realizations si Ms. Kathryna. “So sabi ko, eh, anuhin mo naman ‘yung sobrang dami mong pera, hindi mo naman madadala, kung namatay ako at that moment, wala kang bitbit, eh. So itulong na lang natin sa talagang nangangailangan. So ‘yun ‘yung self-realization ko na sobra. Naramdaman ko talaga mismo kung ano ‘yung panganganak sa pandemic,” kuwento niya.
“Ang most na biktima or vulnerable is nanay, unborn child at saka babies, so kailangan, mag-change na rin tayo o magdagdag ng law na kapag nangyari ‘yung pandemic, mas gawin nating stronger ‘yung rights ng mga nanay at saka ng mga unborn child,” paliwanag pa niya.
Kaya nang kumbinsihin daw siya na gawing partylist ang PDP Cares Foundation na walang kinalaman sa PDP na Partido Demokratiko Pilipino, naisip niyang mas magiging malawak ang reach at walang mawawala kung susubukan nila. “Anyway, wala namang mawawala. Kung manalo, bonus na ‘yon. Ibig sabihin, parang gusto pa ni God na ituloy pa namin ‘yung greater, greater work. Kung matalo, as it is, lesson learned na rin. At least, naka-experience ka ng campaign, personal campaign,” kumpisal niya.
Kaya kasama sa priority nila sakaling palarin ang healthcare system. “Para sa akin, dapat mas ready ang healthcare system natin on how to deal or how to handle Covid-positive mothers or ‘yung mga Covid-positive babies. Dapat at the same time, meron ding protection ‘yung mga doctor and nurse, so vice-versa, para mas ma-handle rin nang maayos ‘yung mga manganganak during Covid.
“Ang sabi ko rin, sana ‘wag pilitin ‘yung mga buntis na mag-vaccine kasi marami rin sa research na nagkakaroon ng... na nawawala, nalalaglag ‘yung bata, so sana ‘wag nilang pilitin.”
At isa sa avid supporters nila, si Jinkee Pacquiao, misis ng Presidential aspirant at Pambansang Kamao na si Sen. Manny Pacquiao.
Limang taon nang aktibo sa pagtulong ang PDP Cares Foundation ni Kath kasama ang kapatid na si Joseph Yu (3rd nominee).