Mga sinehan magiging normal na uli, tax relief sa entertainment industry, tinutulak ni Bistek

Herbert.

Marami na ang excited sa pagbabalik sa normal ng mga sinehan next month.

Yes, normal operation na raw uli ang mga sinehan sa alert level 1 after February kung walang pagbabago sa mababang number ng new positive covid cases.

Ang tanong lang ay kung wala na rin kayang fear ang mga taong pumunta sa sinehan at gumastos?

At meron na bang mga pelikulang potential box office, I mean ‘yung mai-excite ang fans na pumunta sa mga sinehan para magbayad at i-overcome ang takot na pumasok sa movie theater?

Sana naman, dahil ang dami talagang showbiz workers ang napuruhan ng pandemya ang pinagkakakitaan.

Kaya naman isinusulong ngayon ni senatorial candidate Herbert ‘Bistek’ Bautista ang pagbibigay ng tax relief sa manggagawa sa entertainment industry. “Ang magagawa natin sa maik­ling panahon ay ang ibaba ang buwis o huwag na muna silang buwisan,” ani Bistek sa forum ng CNN Philippines.

Dagdag niya, maraming comedy bars at iba pang establisimyento ang halos magsara dahil sa pandemya dahil na rin sa pagkaunti ng kanilang parokyano, bunsod na rin ng ipinatutupad na restriksyon ng gobyerno para hindi kumalat ang virus.

Ayon pa kay Bistek, na dating aktor na nakilala noong dekada ‘80, nakikipag-usap na siya sa ilang mambabatas hinggil sa iminumungkahing Creative Industries Act na magbibigay ng mas matagalang benepisyo sa mismong industriya ng aliwan sa Pilipinas.

Bagama’t may subsidy sa ilalim ng Bayanihan 2 Act, para sa mga entertainer na nawalan ng hanapbuhay dahil sa Covid-19 pandemic, maituturing na band-aid solution lamang ito at hindi makatutulong sa pangmatagalan, paliwanag pa ng pulitikong sinasabing karelasyon ni Ruffa Gutierrez.

Sinabi pa niyang kung maisasabatas ang Creative Industries Act, hindi lamang indibidwal ang makikinabang kundi maging ang buong industriya mismo.

Show comments