Career ng female singer, nawasak dahil sa karelasyon

Nakakapanghinayang naman ng mga binuong pangarap ng isang kababayan nating female singer na nauwi lang sa wala. Napakarami niyang pinagdaanan na nalampasan niya naman pero nang dahil lang sa pag-ibig ay lumipad ang lahat.

Sinuportahan ng mga Pinoy ang kanyang laban, ‘yun nga ang dahilan kung bakit napasama siya sa mga huling kalahok ng prestihiyosong entablado, pero nakapanghihinayang na nabalewala ang lahat.

Kuwento ng aming source, “Nakakapanghinayang naman ang career ng girl na ‘yon. Imagine, pinaghirapan niya ‘yun nang husto! Maraming pamba-bash sa kanya pero ang mga Pinoy ang lumaban para sa kanya!

“Natural, pride natin siya, Pinoy ang lahi niya, kaya talagang matinding suporta sa text ang ginawa ng mga kababayan natin sa laban niya!” unang kuwento ng aming impormante.

Hindi man naging kampeon ang ating kababayan ay nakilala pa rin siya sa maraming bansa. Nang umuwi siya sa Pinas ay magarbong pagsalubong ang ibinigay sa kanya.

Pero kuwento uli ng aming source, “Nawala ang lahat ng pangarap niya nang dahil lang sa isang taong nangako sa kanya ng langit at lupa. Pinaniwala siya ng lalaking ‘yun na kaya siyang pasikatin hanggang sa ibang planeta!

“Kinagat niya ang mga kamay ng mga taong nagpakahirap para siya magtagumpay. Wala siyang utang na loob, grabe ang pinagdaanan at ginastos ng grupong ‘yun para hindi siya kahiya-hiya kapag tinatawag na ang name niya sa stage bilang finalist!

“Pero tinalikuran niya ang grupo, maging ang mga kaibigan niyang nakatulong sa mahabang biyahe niya bilang contestant! At ang pinakamatindi, pati ang mga magulang niya, iniwan ng girl!

“Sobra siyang nagpailalim sa boyfriend niya na bawat guesting niya, e, sinisingil na para bang superstar na siya talaga. Unti-unting bumaba ang popularity niya, hanggang sa ayun, nawala na siya sa gitna ng aksiyon!

“At nasaan na rin ang lalaking nangako na pasisikatin siya hanggang sa ibang planeta? Waley na, iniwan na rin siya, may iba na namang pinangangakuan ng kasikatan!

“Sayang na pangarap. Ang ganda-ganda na sana ng takbo ng singing career niya, pero nauwi pa sa wala dahil sa foreigner na pinagkatiwalaan niya ng buhay at career niya!

“Nasaan na ang girl ngayon? Ayun, bigong-bigo na bumalik sa parents niya! tinanggap naman siya, may magulang ba namang hindi tatanggap sa kanilang anak?

“Kapangalan niya ang isang sikat na female newscaster na mahilig magpalabas sa kanyang programa ng mga kababalaghan!” napapailing na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

TIPMMG, consistent sa pagiging happy pill sa pandemya

Ngayon lang namin napatunayan sa aming sarili kung ano ang tunay na kahulugan ng pagiging happy pill namin nina Manay Lolit Solis at Mr. Fu para sa mga kababayan nating matagal nang naninirahan-nagtatrabaho sa iba-ibang dako ng buong mundo.

Nu’ng Huwebes nang tanghali ay pinanood namin sa YouTube ang mga episodes ng Take It, Per Minute… Me Gano’n. Mga unang sultada ‘yun ng aming programa, 2019 pa, at puwede naming ipagsigawan ngayon na totoo naman palang puwedeng tawaging happy pill ang TIPMMG.

Nakakaloka! Isa na kami sa mga hosts ng digital talk show ay halakhak pa kami nang halakhak sa walang direksiyong kuwentuhan namin nina Manay Lolit at Mr. Fu!

May bubuksang paksa, may maaalala si Manay Lolit na kuwento, may maaalala rin kami, nakakaloka! Wala kaming natatapos na topic dahil sa kung anu-anong kuwentong-artista na pinagpipistahan namin.

Ibinubuking ni Manay Lolit ang mga blind items namin ni Mr. Fu, susundan ‘yun nang matinding halakhakan maging ng mga kaibigan naming nasa Obra, tunay palang nakakaaliw ang show.

Kung kami nga na kasali na ay ganito ang nararamdaman, paano pa ang mga kababayan natin lalo na sa mga nasa ibang bansa, siguradong riot para sa kanila ang mga kuwento tungkol sa mga artista na nagiging pasabog ng TIPMMG.

Ayun, nakatatlong spisodes kami nu’ng tanghali, pagkatapos namin sa Cristy Ferminute nu’ng hapon ay tumutok na naman kami hanggang gabi at siyam na episodes ang nakumpleto namin.

Grabe ‘yun! Super-halakhakan kami sa mga pasabog, katatawanang anekdota, sa hindi mapigilang pag-ihi ni Manay Lolit kahit nasa ibang bansa siya.

Ngayon ay alam na namin kung ano ang pambenta ng Take It, Per Minute… Me Gano’n. Malungkot ang mundo dahil sa pandemya, sobrang pag-aalala ang umaatake sa ating mga kababayan dahil sa walang kasiguruhang magiging takbo ng ating buhay, nawawalan na ng pag-asa ang mga Pinoy.

Sabi nga, walang gamot na puwedeng inumin na hindi kayang solusyunan ng masa­yang tawanan, laughter is the best medicine.

“Kayo ang happy pill namin, pinasasaya n’yo ang buhay namin, kayo ang pansamantalang nagpapalimot sa aming mga problema,” madalas naming matanggap na text sa TIPMMG.

Tumawag kami kay Salve Asis, ang aming tagapamuno, “Anak! Totoo palang nakakaaliw ang ating programa! Grabe! Gamot nga ito sa kalungkutan!” sumisigaw naming sabi sa kanya.

Ang tanging sagot ni Salve Asis, “Oh, di ba Nay? Kung ikaw nga, aliw na aliw na, paano pa ang mga nanonood sa atin?”

Tumpak!

Show comments