^

PSN Showbiz

Edu, gustong magkaroon ng babaeng anak kay Cherry Pie

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Edu, gustong magkaroon ng babaeng anak kay Cherry Pie
Edu at Cherry Pie.

Labinglimang taong gulang ang agwat nina Cherry Pie Picache at Edu Manzano. Para sa aktor ay hindi naman naging hadlang sa kanilang magkasintahan ang agwat ng kanilang mga edad. Matatandaang unang lumabas sina Edu at Cherry Pie dalawang dekada na ang nakalilipas. Noong isang taon lamang nagkamabutihan ang dalawa. “Hindi ako ‘yung typical romantic na sunsets, hindi. I find romance in everything. Inspired to wake up every morning with a smile on your face and look forward to the day. Ayoko kasi ‘yung nagsisimangot. Gusto ko lagi akong nakangiti. Kailangan laging positive,” makahulugang pahayag ni Edu.

Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto ng magkasintahan na magkaroon ng sariling anak. “Who wouldn’t want babies, hindi ba? I’d love to have babies,” pagtatapat ng aktor.

“Lalo na ako, I only have one child. I mean ‘di ba, it would be nice. Siguro ang ganda ng anak natin,” dagdag naman ni Cherry Pie.

Si Addie Manzano lamang ang naging babaeng anak ni Edu. Kaya naman nangangarap ngayon ang aktor na magkaroon ng isa pang anak na babae. “Iniisip ko minsan, ‘pag nag-18 (ang anak na babae) ang talagang gusto kong mangyari, gusto kong maisayaw ‘yung anak ko sa kanyang debut. Si Addie, hindi, naghanda ako. Nagpa-dancing lessons pa ako tapos biglang sinabi, ‘Daddy, ‘yung gagastusin na lang sa party, pupunta na lang kami ng mga kaibigan ko sa Boracay.’ Pinaghandaan ko pa naman ito, pinag-ipunan ko ito. Pero ang importante naman ‘yung kaligayahan niya, hindi ‘yung akin. ‘Yon ang pinaka-importante,” paliwanag ni Edu.

Barbie at Turs, mabilis nagkasundo

Napapanood na ngayon sa iWantTFC ang The Clueless Girl episode ng The Goodbye Girl na pinagbibidahan nina Barbie Imperial at Turs Daza.

Ngayon lamang nagkatrabaho ang dalawa pero agad naman daw na nagkasundo noong unang nagkasama. “First we talked about ‘yung mga self care books and then napunta kami sa crypto and sobrang komportable ako with Turs. Parang do’n lang ulit kami nagkita pero pina-feel niya talaga na pwede ako mag-open up sa kanya sa eksena and off cam din may mga napag-usapan din kami about life. So it was a good experience. Sobrang gaan, ang gaan niya katrabaho and very gentleman,” kwento ni Barbie.

Sa loob ng pitong taon ng pagiging aktibo sa show business ay nasubukan na ng aktres na gumanap mula supporting role hanggang sa naging lead role. Ayon kay Barbie ay palagi siyang mayroong mga natututunan sa bawat proyekto na kanyang ginagawa. “That’s very true kasi siyempre nagsimula ako sa maliit lang na role before and then I went to Showtime GirlTrends and then after Showtime, small role ulit. Puro small roles lang pero marami akong natututunan. And then lahat ng natutunan ko na ‘yon sa mga small roles na ginampanan ko, ‘yon ‘yung dinala ko no’ng first time kong mag-lead sa Araw Gabi. Then next projects ulit na lead. So sobrang happy ako na finally nagli-lead na,” pagbabahagi ng dalaga. Reports from JCC

vuukle comment

CHERRY PIE PICACHE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with