Neil at Angel, may ‘resibo’ na ang kasal
Wedding ring naman ang ipinakita ng mag-asawang Neil Arce and Angel Locsin.
Yup, sabi nga ng netizens may resibo nang suot ang mag-asawa.
Ngayon lang nila naisuot ang wedding ring after ng kasal nila last July na sabi nila ay naging biglaan kasi noon.
“Pre-valentine’s dinner. Sabi ko simplehan lang! May pa-wedding ring si Mr. Arce. Finally, may wedding ring na rin kami . Thank you my love @neil_arce #HappyPusoDay.”
At inamin ni Mariel Rodriguez sa nasabing post ni Angel na after 12 years wala pa raw silang wedding ring ng husband niyang si Robin Padilla.
“Kami mag 12 years wala kaming wedding rin pa rin mars. Hehehe happy anniversary,” aniya sa comment section.
- Latest