^

PSN Showbiz

Direktor, nagmamakaawang trabaho sa kapwa direktor na siniraan

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Tawa nang tawa ang aming impormante sa isang kuwentong nakarating sa kanya. May isang TV director daw na tumawag sa kanyang kapwa direktor.

Sabi ng TV director, “Pare, bitbitin mo naman ako sa raket mo. Sakaling kunin ka sa bagong network, irekomenda mo rin naman ako.”

Natawa lang ang tinawagang direktor. Mukhang maaga raw tinamaan ng amnesia ang TV director, nakalimot na ito sa nakaraan, dahil todo ang kanyang paninira nu’n sa personalidad na maaatasang humawak sa pagpapatakbo ng network.

Bilog ang bola.

Female personality, pinagpalit ang loyalty sa malaking halaga

Busog na busog din ang isang female personality sa pagpapakain sa kanya ang ampalaya ng mga bashers. Apdo rin ang iniinom niya ngayon.

Kuwento ng aming source, “Hindi lang siya ang masyadong nasentruhan ngayon sa pamba-bash, hindi naman kasi siya relevant, pero kung tutuusin, e, mas malala pa nga ang ginawa ng babaeng ‘yun!

“Imagine, ang sinamahan niyang kampo, e, ang mismong kumalaban sa network na pinagseserbisyuhan niya! Hindi ba naman kawalan ng loyalty sa istasyong pinakinabangan  niya ang ganu’n?

“Kung ‘yung isang female personality na ipinapako sa krus ngayon, e, nabubutasan lang sa pagpapakilala sa pulitikong humarang sa franchise ng kanilang network, e, mas matindi ang ginagawa ng female personality na ito!

“Kasama niya mismo sa partido ang taong kumontra sa kalayaan ng network nila! Nakakaloka ang babaeng ‘yun, wala siyang prinsipyo! Nasa talampakan ang kawalan niya ng utang na loob!” naiinis na komento ng aming source.

Balitang malaking halaga ang tinanggap ng female personality mula sa kampo ng pulitikong sinamahan niya. Nagdedenay ang babaeng personalidad pero ‘yun lang ang nakikitang dahilan ng marami para ilaglag niya ang istasyong gumawa ng milagro sa kanyang career.

Balik-chika ng aming source, “E, ano pa nga ba? Alangan namang hindi niya alam na kinalaban ng kapartido niya ang network nila nu’n? Bulag at bingi ba siya?

“Kunsabagay, utang na loob ba kanyo? Wala naman kasi sa bokabularyo niya ‘yun! Napakaraming tumulong sa kanya nu’ng walang-wala pa siya, pero kinukumusta man lang ba niya ngayon ang mga taong inaabala niya tungkol sa datung?

“Waley! Amnesia girl siya, walang naaalala! Sabi nga, aanhin mo ang mansiyon kung malaki naman ang iyong puson? Sapul ang tabachingching na female personality na ito!” nakataas ang kilay na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Toni, mas pinili ang kadugo

Ibinabaon nang buhay ngayon si Toni Gonzaga ng mga anti-Bongbong Marcos. Nadagdagan pa ang mga bira kay Toni dahil kasama sa partido nina BBM at Mayor Sara Duterte ang pulitikong napakatabil ng dila sa usapin ng prangkisa ng ABS-CBN na si Congressman Rodante Marcoleta.

‘Yun ang pinanggagalingan ng mga kapwa niya artista sa ABS-CBN. Sobra-sobrang pasakit ang inabot nila sa mga kongresistang kumalaban sa kanilang network kaya tuluyan nang tinanggalan ng prangkisa, isa si Marcoleta sa pinakakontrang-kontra sa ABS-CBN, at siguradong alam ‘yun ni Toni.

Tinatawag siyang walang utang na loob, walang katapatan sa istasyong may malaking nagawa sa karera nilang magkapatid, traydor daw si Toni Gonzaga.

Naiintindihan namin ang emosyon ng kanyang mga kasamahan, ipinasara ang kanilang istasyon at mahigit na labing-isang libong manggagawa ng network ang nawalan ng trabaho, hindi madaling kalimutan ang senaryong ‘yun.

Nakapagitna sa dalawang naglalabang puwersa si Toni. Tama, ipinasara ang network na pinagseserbisyuhan niya, ang kanyang asawa namang si Direk Paul Soriano ay pamangkin ni Attorney Liza Marcos na misis ni BBM.

Saan nga ba papanig si Toni? Iisa lang naman ang kanyang katawan na hindi niya maaaring hatiin para mapagbigyan niya ang dalawang kampo.

Mula’t mula pa ay kilala si Toni sa pagpapahalaga sa kanyang pamilya. Hindi niya ipagpapalit ang kanyang mga direktang mahal sa buhay sa anuman.

Umaaray din siguro si Toni dahil siya pa ang nagpakilala sa kongresistang kumalaban sa kanyang network. Pero paano naman ang relasyon nila ni Direk Paul?

Naisip na lang siguro ni Toni na isang araw lang naman ang eleksiyon pero ang relasyon ng mag-asawa ay dapat na panghabambuhay.

Pero bilang host sa proklamasyon ay saludo kami kay Toni Gonzaga. Magaling siya. Alam niya ang kanyang ginagawa. Katiwa-tiwala siyang tagapagpakilala.

Hiwalay ang papuri namin kay Toni bilang host sa bitbit niyang problema ngayon na nag-uugat sa galit sa kanya ng mga kapwa niya artista ng ABS-CBN.

Ibang usapan at usapin ‘yun.

DIRECTOR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with