AHA!, finalist sa Prix Jeunesse International Festival!

Drew
STAR/ File

Pasok ang infotainment program na AHA! bilang finalist sa prestihiyosong Prix Jeunesse International Festival 2022. Isa ang AHA! sa shortlisted entries mula sa 41 bansa at kabilang sa daan-daang international children’s programs na nagsumite ngayong taon.

Bukod sa pagiging finalist, makakasama rin ang AHA! sa catalog ng festival 2021/2022 na Quality in Children’s TV Worldwide.

Buong-puso ang pasasalamat ng host nitong si Drew Arellano sa Prix Jeunesse Foundation para sa pagkilalang ito.

“For the past 12 years, AHA! has evolved and adapted to the changing times. The program continues to offer something new and relevant to its audience. Nae-entertain ka na, may natututunan ka pa!,” dagdag pa niya.

Ang Prix Jeunesse International Festival ay itinuturing na Oscars of Children’s TV. Mapapanood ang AHA! tuwing Linggo, 8:15 a.m. sa GMA Network.

Show comments