Anak ni Claire dela Fuente, umaming naghihirap na!

Pagod na ang anak ni Claire dela Fuente na si Gigo de Guzman pati ang mga kasamahan nito na nasangkot sa   pagkamatay ng kaibigan nilang si Christine Dacera.

Pagkatapos ibaba ang desisyon ng korte na absuwelto sila sa lahat na kasong isinampa laban sa kanila, gusto na raw sana nilang ilibing na ito lahat at huwag nang buhayin pa uli.

Kahit ang kontra demanda nila laban sa ina ni Christine na si Sharon Dacera ay ibinasura na rin.

Sabi na lang ni Gigo nang nakapanayam namin sa DZRH nung nakaraang Miyerkules, kung magsasampa pa raw ang kampo ni Dacera ng Motion for Reconsideration, mapipilitan na naman silang sagutin ito.

Pero as much as possible ay sana tapusin na raw at patahimikin na rin si Christine at pati ang ilang nadamay sa gulong ito.

“Patahimikin na po natin si Christine. Patahimikin na po natin ang nanay ko at lahat na nadamay sa trehedyang ito. Kasi, hindi naman po dapat lumaki ang problemang ito. Napalaki lang po.

“Kawawa po si Christine honestly. Ipagdasal na lang po natin silang lahat, at mag-move on na rin po tayo.

“Right now, hindi na po namin iniisip ‘yan. Pero ‘pag sila po mag-Motion for Reconsideration, kami rin po ang magpa-file. ‘Pag sila ang nag-petition, kailangan po namin sumagot.

“Kami po, nananahimik na po kami. Iyan po ang totoo, pero ‘pag sila po umatake, kailangan po namin sumagot,” pahayag ni Gigo.

Umalma pa si Gigo sa sinabi ng ina ni Christine na tipong nakarma raw sila, dahil sa pumanaw ang ina niyang si Claire, ang ama ng isa pang kasamahan nilang si Valentine Rosales, at ang isang abogado nila.

Pero ngayon ay ayaw na itong sagutin pa ni Gigo. Gusto na raw niyang manahimik at mag-move on na sa kani-kanilang buhay.

Nagpapasalamat lang si Gigo sa mga malalapit na kaibigan na tumulong sa kanilang mag-move on. Dahil talagang naghirap daw sila. Naibenta na raw nila ang ibang properties at ang iba ay nakasangla, at tila inabandona na raw sila ng ilang kamag-anak nila.

Aniya; “Right now po ang dami po naming pinagdaraanan, Dahil sa pagpanaw ng nanay ko, nagkaroon po kami ng problema sa pera. Marami ho kasing investment na hindi natuloy dahil sa pagkawala niya. So, hindi ho nabalik ‘yung pera. Hindi natuloy ang mga proyekto. So, marami ring utang. Kami ng kapatid ko, hirap kami po for a couple of months. Walang trabaho kasi nagtatrabaho po kami para sa nanay namin.

“Nung nawala po, naghanap kami ng trabaho, pero wala hong gustong tumanggap sa akin kasi may kaso pa ho.

“Tapos, medyo inabandona na kami ng iba naming kamag-anak, dahil wala na kaming pera.

“Buti na lang ho, marami kaming super matalik na mga kaibigan na tinulungan kami, pinakain kami, binigyan ako ng trabaho, binigyan ako ng pag-asa, suporta, lahat.”

Hindi rin daw nagkulang sina Imelda Papin, Eva Eugenio at Pilita Corrales sa pagkumusta sa kanila, at sinasabing kung ano ang kailangan ay sabihin lang sa kanila.

“Gusto na nga po nila magplano ng isang benefit concert para sa nanay ko. But, unfortunately masasagasaan po ‘yung concert nila sa US this coming March or April. Hindi ko lang po alam, pero ginagawan po nila ng paraan, sila lang daw po ang bahala. Supportive po sina Tita Pilita, Tita Imelda, si Tita Eva,” sabi pa ni Gigo.

Maxine, enjoy sa pagmamaldita

Mas maraming cast at mas matindi ang kuwentong ilalahad ng book two ng First Yaya na nagiging First Lady na.

Mas matindi ang pagdaraanan ni Melody (Sanya Lopez) dahil mas marami pa siyang mga kontrabida rito.

Nanatili pa ring maldita sa kanya si Maxine Medina, na sa kuwentong ito ay nagtatrabaho na sa kanya.

Na-enjoy ni Maxine ang role niya rito bilang si Lorraine Prado, at okay lang daw sa kanya kung malilinya na siya sa kontrabida roles.

“Sobrang mas creative po at feeling ko magwu-work din for me, kasi ang sarap niyang laruin, ang sarap niyang gawin. First time ko actually na magkontrabida, especially dito sa First Yaya.

“Sobrang na-enjoy ko naman po siya. Hindi lang naman ho here. Pero sa ibang series o sa ibang projects, game po ako if ever po pag may offer,” sabi ni Maxine sa nakaraang mediacon ng First Lady na magsisimula na sa GMA Telebabad sa darating na Valentine’s Day, Feb. 14.

Show comments