MANILA, Philippines — Matapos ang mahigit 16 taong pagiging host ng "Pinoy Big Brother," lilisanin na ng aktres na si Toni Gonzaga ang "bahay ni kuya," banggit niya sa isang pahayag na inilabas ngayong Miyerkules.
"Today, I'm stepping down as your main host. I know Bianca [Gonzalez] and the rest of the hosts will continue the PBB legacy," wika niya sa isang Instagram post kanina.
Related Stories
"It has been my priviledge to greet you all with 'Hello Philippines' and 'Hello World' for the last 16 years."
Inilabas ni Toni ang nasabing pahayag isang araw matapos maging host sa proclamation rally ni 2022 presidential candidate at dating Sen. Ferdinand "Bongbong" Marcos, anak ng diktador na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.
Martes lang nang maging kontrobersyal ang pag-host ni Toni sa naturang BBM event, nang isigaw niya ang ang mga katagang, "Tapos na, may nanalo na, tapos na ang laban," matapos patugtugin ang Martial Law-era song na "Bagong Lipunan" sa nasabing event.
Ang pagpapatugtog ng nasabing kanta ay tinitignang kabastusan nang maraming nakaranas ng paghihirap sa ilalim ng diktadurang Marcos. Sinasabing nasa 70,000 ang ikinulong, 34,000 ang tinortyur at nasa 3,200 ang pinatay noong panahon ng Batas Militar.
"I will forever cherish the memories, big nights and moments in my heart. Thank you Kuya for everything," dagdag pa niya.
"This is your angel, now signing off..."
Matatandaang nasa PBB na si Toni noon pang magsimula ang reality show sa Pilipinas noong 2005.