Arci, humahabol daw kay Michael

Arci
STAR/ File

Nag-attend ng red carpet ng Hollywood film na Jackass Forever si Arci Muñoz. Ginanap ito sa TCL Chinese Theatre, Hollywood.

Parang ang tagal na nga niya sa Amerika base sa mga post niya sa social media.

Wala na ring confirmation kung natuloy ba ang balita noon na kakandidato siyang councilor sa Antipolo.

“Thanks for ze invite! #jackassforever my first Hollywood red carpet moment,” caption ng Kapamilya actress na naka-pose sa photo wall ng premiere night.

Ang ganda naman ni Arci pero ang isang napansin nila, parang may semblance na kay Michael Jackson ang face niya.

But anyway, kumita ang Jackass Forever ng $23.5 million sa opening weekend.

Dalawang high profile actress, hindi magka-level ang TF

Malaki pala ang difference ng talent fee ng dalawang actress na nasa iisang network.

Parehong high profile sina actress A and actress B.

Pero pagdating pala sa endorsement mas malaki ang TF ni actress A.

Kung sabagay massive ang followers ni actress A though hindi rin naman nagpapahuli si actress B.

Pero baka nga depende sa negotiations kaya ganun or depende sa products.

Basta pareho silang high profile at in demand sa kasalukuyan na nasa iisang network.

Pareho rin silang married.

Show comments