^

PSN Showbiz

Diether, nanghingi ng tawad!

Kimberly Vedad - Pilipino Star Ngayon
Diether, nanghingi ng tawad!
Diether.

Nag-apologize na si Diether Ocam­po sa mga naabala niya nang makabangga ng truck ng basura sa Osmeña Highway.

Naglabas siya ng official statement, pero walang banggit kung nakainom nga siya dahil ito ang unang lumabas matapos ang aksidente at natagpuan siyang sugatan na parang ayaw pa diumanong magpadala sa hospital.

Narito ang buong statement niya na ang Star Magic ang naglabas sa social media:

“On February 3, 2022, I had a long and exhausting meeting which last until almost midnight. As I was driving home, I figured in a vehicular accident involving my SUV and a truck.

“I am relieved that no one else got hurt and I apologize for any inconvenience I may have caused due to the unfortunate accident, especially to the other party.

“I am extremely grateful that I emerged unscathed except for a bump in the head and some bruises. I am very thankful for God’s continuous mercy and protection.

“Thank you sincerely to everyone onsite, from the people who called for help, the first responders, and especially to the Philippine Red Cross personnel who rushed me to the hospital.

“I also wish to express my gratitude to the doctors, nurses, and staff at the Makati Medical Center for taking very good care of me.

“I am feeling better now and I have already been cleared to recuperate in private. Again, I wish to thank everyone for your prayers and well-wishes.”

SKY, HBO, at History Channel, may virtual run fundraiser para sa mga nasalanta ng odette

Higit isang milyong Pilipino pa rin ang nanga­ngailangan ng tulong matapos ang pinsalang dulot ng Super Typhoon Odette.

Upang makapaghatid ng karagdagang tulong, nagsanib-pwersa ang SKY, HBO, at History Channel para ilunsad ang Isang Daang Hakbang Sa Pagtutulungan: Kapamilya Virtual Run sa ilalim ng proyektong Tulong-Tulong Sa Pag-Ahon: Isang Daan Sa Pagtutulungan ng ABS-CBN at ABS-CBN Foundation.

Magbubukas ang registration para sa virtual run simula Pebrero 1, kung saan ang mga lalahok ay magbibigay ng donasyon at kukumpletuhin ang 100 Hakbang Challenge upang makatulong sa mga nasalanta ng Odette.

Para maka-register, kailangan muna magpadala ng donasyon na P100 o P400 sa pamamagitan ng pag-scan ng GCash, PayMaya, o PayPal QR Code ng Isang Daang Hakbang Sa Pagtutulungan: Kapamilya Virtual Run.

Maaari ring i-deposit ang donasyon sa BDO (0039300-86136) o BPI (3051-1156-26). Ang P100 na donasyon ay katumbas na ng 1kg na bigas at dalawang canned goods para sa habang ang P400 na donasyon ay katumbas ng 5kg na bigas at anim na canned goods para sa isang pamilya.

Pagkatapos magpadala ng donasyon, magtutungo ang mga kalahok sa www.runrio.com para mag-sign up at isusumite ang ang kanilang patunay ng donasyon.

Nakadetalye rin sa website ang mga karagdagang impormasyon.

Kung nais maghatid ng mas malaking donasyon ang mga kalahok, pwede silang sumali sa Top Up Categories. Sa donasyon na P800 or P1,200, makakasali sila sa 5K o 10K Virtual Run at mas marami pang pamilya ang ang mabibig­yan ng food packs.

Mula Pebrero 5 hanggang 28, maaaring kumpletuhin ng mga kalahok ang kanilang 100 Hakbang Challenge, 5K, o 10K virtual run.

Hinihikayat din sila na i-post ang mga litrato o bidyo ng kanilang takbo sa Facebook at Ins­tagram gamit ang hashtag na #100HakbangSaPagtutulungan at i-tag ang kanilang mga kaibigan na sumali rin.

Ang mga makakakumpleto ng 100 Hakbang Challenge ay makakatanggap ng e-badge habang ang mga makakatapos ng 5K at 10K Virtual Run ay makakatanggap ng e-badge, e-bib, at personalized e-certificate.

Inilunsad ang Tulong-Tulong sa Pag-ahon: Isang Daan sa Pagtutulungan, ang ikalawang bahagi ng kanilang fund drive, para sa benepisyo ng mga nasalanta ng Odette. Nitong Enero 25, higit 141,634 pamilya sa iba’t ibang lugar ng Palawan, Visayas, at Mindanao ang natulungan ng donasyong nalikom ng ABS-CBN Foundation.

DIETHER OCAMPO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with