‘Pag ang tao pala one track minded, talagang kung anong gusto nilang isipin, iyon na at hindi na nila makikita ang ibang reasons.
Nakakatawa dahil sa halip na makatulong ay nakakasira pa sila sa image ng kanilang mga idolo.
Nakita ko na lahat ng klaseng fans mula pa sa panahon nina Nora Aunor at Vilma Santos.
Mga hardcore na inaaway lahat basta nasa kabilang kampo. Saka kung minsan tagahatid ng mga maling balita sa mga artista kaya lalong nag-aaway-away. Kaloka talaga sila na kung ‘di mo mapipigilan talagang gusto nilang ma-manipulate ang buhay ng idol nila. Mabuti na lang ‘pag matalino ang artista at hindi nagpapadala sa sulsol ng fans na bulag at bingi sa katuwiran.
Kaya dapat lang talaga matalino ang bawat artista para hindi madala ng scheming fans na hindi gumagamit ng utak kundi emosyon lang, kaya hindi nakakakita ng katuwiran o paliwanag.
Pero in fairness, dahil naman sa kanila kaya sumisikat ang isang artista. Ang iba nga lang kaloka na para bang alam na alam na nila lahat ng nangyayari at inuunahan nila ng komento.
Meron pa silang sariling side nila sa bawat issue na para bang dapat iyon ang sundin mo. Assuming ang karamihan sa kanila, kaya kung minsan nakakairita.
Hay naku, ang dami ng tulad nila ang nakita ko sa buhay, kung minsan nga nasa-sad ako na hanggang ngayon meron pa ring mga ganitong klase ng fans eh year 2000 na, 1970 pa ako nasa showbiz, sana naman nagbago na rin ang pananaw nila. Kaloka talaga.
Mga pinoy adaptation ng Koreanovela, mas pumapatok
Mas safe pa nga siguro ‘pag adaptation na lang ng isang sikat na serye ang ginagawa, Salve. Kasi nga meron nang recall, napanood na ‘yung serye at ia-adopt na lang sa TV o film ng stars natin. Magkakaroon na lang ng ibang flavor dahil local stars na ang gumaganap. Bongga pa dahil marami nang nakapanood noon at familiar na sila sa istorya.
Mabuti rin dahil totoo namang maganda ang plot ng mga Koreanovela, eh sa acting naman puwedeng lumaban ang stars natin. So adaptation ng mga top series, ok lang, mas madali pang iayos ang script, hindi ba mag-iisip ng kung anu-ano pang plot, dahil ayan na, kopyahin na lang.
In fairness mga parang Tagalog stories din naman ang karamihan sa plot ng Koreanovela nila, kaya puwedeng puwede. Bongga siya.