Pero may show sa Netflix Heart, ayaw umasa ng career sa Hollywood!
Ayaw pang kumpirmahin ni Heart Evangelista kung anong project niya sa Netflix pero consistent ang chikang kasama siya sa new season ng Bling Empire na pinagbibidahan ng mga rich Asian.
Sagot ni Heart sa tanong namin sa finale presscon ng teleserye niyang I Left My Heart In Sorsogon kahapon “I can’t say if it’s Bling or something else but definitely I could film for a show in Netflix.”
Dagdag pa niya “‘Di ko alam sa totoo lang kung kailan siya lalabas kasi anything abroad siguro parang hindi mo siya aasahan because it’s really destiny for me if you want to achieve anything in Hollywood with like career path sa totoo lang I don’t really have anybody that helps me plan out my career kumbaga I just take it a day at a time.”
Sinagot niya rin ang tanong namin kung anong career plan lalo na nga’t sabi ay last teleserye na niya ang I Left My Heart in Sorsogon dahil magko-concentrate na lang siya sa mga offer abroad. “Kung saan ako hipan ng hangin at kung feeling ko tama ‘yung intuition ko na dapat dito ako pumunta, ‘yun ang gagawin ko. So right now I really have no solid plans what my next steps are kumbaga kung saan ako gustong dalhin bonus na lang sa akin ‘yun at e-enjoy-in ko each step,” aniya pa na nasa bansa na pagkatapos ng kanyang apperance sa Paris Fashion Week na tinuturing niyang isa sa best trips niya since mag-umpisa siyang rumampa-rampa sa mga fashion event sa iba’t ibang bansa. “It’s very overwhelming sa totoo lang. I’ve been attending fashion weeks for five years now, and this trip, I feel na would be one of my favorite trips kasi parang ngayon na talaga nanganak ‘yung lahat ng mga seeds na na-plant ko.
“And I’m very, very thankful dahil malaking tulong talaga ‘yung nagkaroon ako ng mga kaibigan in the fashion industry abroad like Christian Louboutin and Kevin Kwan, who are very, very, super supportive,” dagdag pa niya sa virtual conference.
Hindi rin daw niya in-expect na ganun ang magiging suporta ng fans / followers niya lalo na sa YSL shades kung saan na-sold out o maraming nabudol sa mga store sa abroad matapos niyang irampa sa PFW. “Hindi ko in-expect kasi hindi rin naman ako, alam mo ‘yun, hindi rin naman ako ‘yung tipong artista na ang dami-dami kong fans, ganyan. So parang naging proof din siya para sa akin na just you just have to stay authentic and real.
“Kikay talaga ako, and maarte talaga ako, and may narating ang kaartehan ko. I will do promote really expressing your individuality and how far it can take you,” pag-amin pa ng Queen of Creative Collaborations.
Anyway, kung dati nga ay nag-decide siyang ‘di na gagawa ng drama series after nga nitong I Left... with Richard Yap and Paolo Contis now ay open siya sa TV special na three parts lang o movie depende kung sino ang leading man / story.
- Latest