KBP, hindi natuloy ang planong panata ng mga kandidato; Pacman sampung oras nagpahintay sa interview

Sen. Manny
STAR/ File

Hindi magaganap ang plinano ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas na ‘panata’ sa Panata sa Bayan: KBP Presidential Candidates Forum ngayong araw, Feb. 4, Friday, from 9:00 a.m. to 12:00 noon.

First time pa naman sana itong mangyayari, na maghaharap ang five presidential candidates in a live nationwide radio and television broadcast to present their qualifications and platforms of government to the people.

Ayon sa KBP, inimbita nila ang top six presidential aspirants, Mr. Leody de Guzman, Sen. Ping Lacson, former Sen. Ferdinand Marcos, Jr., Mayor Isko Moreno, Sen. Manny Pacquiao, and Vice President Leni Robredo.

Pero ‘yun nga, nag-decline ang kampo ni former Sen. Marcos, Jr., whose camp sent KBP a letter declining the invitation due to prior scheduled commitments.

The forum will be moderated by Rico Hizon (CNN Philippines) and Karen Davila (ABS-CBN). Joining them in the studio at TV5 in Mandaluyong are panelists Bombo Elmar (Bombo Radyo Philippines), Roby Alampay (OnePH), Dan Andrew Cura (FEBC) and Ed Lingao (TV5).

Mapapanood pa naman ito 330 KBP stations nationwide kabilang na ang major networks –TV5, Cignal, CNN Philippines, A2Z, ABS-CBN, Bombo Radyo, Far East Broadcasting Company (FEBC), Manila Broadcas­ting Company (MBC), Radio Mindanao Network (RMN), and Radyo Pilipino.

Nauna nang nagkaroon ng conflict sa sche­dule ni presidential aspirant Bongbong sa naunang interview ni Jessica Soho pero umoo siya kay Korina Sanchez para naman sa Upuan ng Katotohanan ng Rated Korina at Brightlight Productions na mapapanood din ngayong weekend.

Samantala, kontrobersiyal din ang supposedly ay interview sa tandem nina Senator Manny Pacquiao and Cong. Lito Atienza sa Net 25.

Grabe raw ang ginawang pagpapahintay ni Sen. Pacquiao sa staff and crew ng network, sampung oras. At kasama diumanong nanghintay ng crew, si vice presidentiable Atienza.

Paiba-iba raw ang binigay na oras ng staff ni Sen. Manny nung actual interview na.

Kaya diumano’y pinack-up na lang ang nasabing interview.

May ginagawang coverage ang Net 25 na Mata ng Halalan Presidential interview Election Special.

Show comments