Alden, nanggulantang sa sexy pictorial

Alden
STAR/ File

Nagulantang ang Aldenatics, kabadingan at ilang kaibigan sa huling pictorial ni Alden Richards na kuha ni Mark Nicdao.

Kaya agad-agad dinagsa ang post niya ng sexy photos ng sangkatutak na likes at comments.

Tatlong oras pa lamang niyang nai-post, halos 50K likes na at may 1,124 comments na.

Ang proud nga ni Mark Nicdao na nag-comment ng muscle emoji.

Pati nga si Jo Berry ay may comment ding hot at heart emoji.

Pero para pala ‘yun sa isang endorsement. Ayaw pa lang ng aming source sabihin kung anong klase ng produkto dahil mahuhulaan daw agad kung ano ito.

Maingat sila sa ganyan, dahil malamang may non-disclosure agreement diyan. Kaya abangan na lang daw ang bonggang laun­ching nito.

In fairness naman kay Alden, nung ginagawa pa lang niya ang The World Between Us ay naiba raw talaga ang lifestyle niya dahil doon pa lang ay inayos na niya ang kanyang katawan. Nagbago siya ng diet, at tinuluy-tuloy na niya ito.

Sana ang susunod naman na mabalitaan kay Alden ay kung sino na ang makaka-date niya, lalo na’t ang dami nang nagnanasa sa kanya ngayon.

Korina, kinarir ang presidential interview

Nag-trending sa Twitter ang Presidential Job Interview ni Vice President Leni Robredo sa DZRH nung nakaraang Miyerkules.

Talagang nakatutok ang mga tao sa limang presidentiables, kaya pinapanood nila at pinag-aaralan ang lahat na sagot ng mga kandidato.

Kaya inaabangan at active sila sa pagbigay ng mga opinyon sa mga iniinterbyung kandidato.

Kaya abangan n’yo na rin sa Rated Korina ni Korina Sanchez-Roxas bukas at sa Linggo, ang special episode na ito na kung saan isasalang sa Upuan ng Katotohanan ang limang presidentiables na sina Sen. Ping Lacson, dating Sen. Bongbong Marcos, Mayor Isko Moreno, Sen. Manny Pacquiao at VP Leni Robredo.

Kinarir ni Korina ang episode na ito na kung saan ay personal niyang inimbita ang mga kandidato.

Aniya; “Kailangan kasi ganun. All of the candidates I’ve been interviewing for decades. Honestly, lahat sila friendly kami.

“May mga pinagdaanan na rin in a way that I’ve asked them the tough questions and I’ve also had laughs with each of them too. I was surprised I had no problems inviting any of them.

“Honestly I wasn’t sure BBM would be easy and friendly once I sent the invite through his media head. But I got the schedule right away.”
Hindi naman daw puwedeng ikumpara itong interviews niya sa ginawa nina Jessica Soho at Boy Abunda dahil maiksi lang naman daw ang programa niya na magazine format.

Hindi raw siya nag-editorialize, at hindi na gaanong nag-follow up question dahil kakapusin pa sa oras.

“Mas mahaba ‘di hamak ang oras ni Boy and Jessica sa mga interview nila. Kami kasi ay ibang format talaga. Magazine. By design, I really want na makilala ang kandidato hindi lang sa seryosong usapan sa tanungan.

“Gusto kong makita ng tao na tao rin silang lahat na may pamilya, may nakakahiligan na gawain, tumatawa rin. Ang isang Presidente ay tao rin. At tayong lahat tumataya sa kabuuan ng tao at hindi lang sa isang seryosong lider na nakaupo at sumasagot ng tanong. Sa Pinoy nga sabi nila, tipo-tipo yan sa pagpili.

“So as how a magazine format would do, nilakad ako ni Yorme sa mga kalsada ng Maynila. Pinakita sa akin ni VP Leni ang condo apartment nilang mag iina. Nag-piano at kumanta si Sen. Pacquiao. Nang­huli kami ng isda ni Sen. Lacson sa farm niya at si Sen. Marcos magluluto raw,” dagdag na pahayag ni Korina.

Kaya abangan ito sa Sabado ng 5 p.m. sa A2Z, 7:30 ng gabi naman sa TV5, at 10:30 ng gabi sa Kapamilya Channel at Kapamilya online.

Sa Linggo ng 7 p.m. ay mapapanood uli ito sa OnePh.

Show comments