PMPC, may bagong opisyales!

Inihalal na ang bagong pamunuan ng The Philippine Movie Press Club, Inc. (PMPC) para sa taong 2022. Ito ay ginanap noong Enero 28 sa tanggapan ng PMPC sa Quezon City. Ang PMPC ang organizer ng PMPC Star Awards for Movies, Television, and Music.

Narito ang buong listahan ng new set of PMPC officers this 2022: Fernan de Guzman (president), Rodel Fernando (vice president), Mell Navarro (secretary), Mildred Bacud (assistant secretary), Lourdes Fabian (treasurer), Boy Romero (assistant treasurer), John Fontanilla (auditor), Francis Simeon at Leony Garcia (public relations officers). Board of directors: Joe Barrameda, Eric Borromeo, Roldan Castro, Jimi Escala, Sandy Es Mariano at Rommel Placente.

Nagpasalamat si 2021 PMPC President Roldan Castro sa naging suporta ng opisyales at mga miyembero sa kanyang termino na sa kabila ng pandemya ay matagumpay na nairaos ang tatlong awards night sa pamamagitan ng online platform. Sinabi naman ni 2022 PMPC President Fernan de Guzman na ipagpapatuloy niya ang magandang simula ng virtual events ng PMPC kung saka-sakaling hindi pa rin mapapayagan ang physical awards night sa taong ito.

Congratulations.

Show comments