Dapat pala ipunin natin ang mga interview ng presidentiables. Ang sarap siguro ulit-ulitin panoorin at himayin lahat ng mga sinasabi nila.
Sarap makita ‘yung wisdom sa mga sagot nila, at masarap ‘yung replay dahil mapapanood mo talagang mabuti ang lahat ng anggulo nila.
Ang gagaling din ng mga nag-interview sa kanila, talagang top of the line at talagang ‘yung the best sa field. Maganda rin lahat ng presentation, at taken in all angle.
Makikita mo talaga kung sino ang mga tunay na gentlemen, sino ang may mabigat na dinadala na hatred sa balikat, sino ang parang aral ang pagsagot at sino ang sincere talaga sa kanyang plataporma.
Anim na taon ang ating leader, kaya dapat iyon talagang gusto natin, iyon ang iboto. Mula sa puso, para sa bayan.
Mga madaling maniwala sa followers, dapat magbago na
Kung minsan talagang nati-test ang pasensya mo sa tao, Salve. Meron kasi na hindi marunong umintindi ng binabasa, at meron namang iba ang ibinibigay na kahulugan sa sinasabi mo. Ang pinakanakakainis, ‘yung stars na nakikinig sa fans nila at sa mga sinasabi ng mga ito na hindi ginagamit ang utak. Doon mo mapapatunayan na meron talagang ang ibinigay lang ng Diyos ganda, pero walang laman ang utak.
Kaloka kasi, hindi bale nang bobo pero sana may loyalty, hindi bale nang bobo, pero sana may puso na alam makita ‘yung talagang may malasakit sa kanila. Maganda ka nga, wala namang laman ang utak mo, siyempre damay na rin ang pagiging matigas ng puso mo.
Hay naku, talagang God is fair, binigyan nga niya ng magandang mukha pero hanggang doon na lang, mananatiling walang laman ang utak nito at ang mga sinasabi lang ng mga bobo niyang followers ang paniniwalaan niya. Sayang na sayang dahil iyang ganyang ugali, nakakatakot ang babagsakan.
Ang dami nang gusto kang alisin sa kinalalagyan mo, kaya dapat maging maingat. Dapat paganahin ang utak at hindi kung ano i-report ng mga bobita mong fans paniniwalaan mo.
Sayang ang ganda mo, baka biglang mawala dahil sa mga negative na iniisip mo, superficial lang lahat. Dapat kasabay ng ganda ang wisdom sa buhay. Tandaan mo, envy can kill and make you lose your friends. Wake up before it is too late.