Marian, layang-laya na!

Aktibong muli si Marian Rivera sa kanyang social media accounts!

Yes, alive and kicking si Yan ngayon dahil laya na siya sa isolation dala ng COVID-19 at ang kanyang pamilya, huh!

No wonder, ngiting-tagumpay muli ang may-ari ng produktong kumuha sa kanya bilang endorser. Super sipag ni Marian sa pag-post niya ng kanyang produkto sa ka­yang soc-med kaya todo ang tiwala sa kanya.

Balik-TV hosting na rin si Yan sa kanyang Tadhana program ng GMA.

Nora, endorser na lang

Endorser at hindi isa sa nominees si Nora Aunor ng partylist na Bicol Saro Partylist. Lumalabas na sa TV ang TVC ni Ate Guy sa wikang Bicolano na may subtitle na Tagalog.

Of course, taal na Bicolana si Nora kaya naman walang puwedeng kumuwestiyon ng pagiging Bicolana niya. Hindi pinalad na mapabilang sa official list ng partylists na aprubado ng Comelec ang kanyang NORAA.

So malaking tulong din ang endorsement niya sa nasabing partylist. Type mo ba ‘yung Bicol Saro Partylist, Salve A.?

Show comments