Maraming nabudol sa YSL shades... Heart at Christian Louboutin, nag-bonding sa Paris!
Maraming nabudol si Heart Evangelista sa ginamit niyang YSL shades sa Paris Fashion Week.
Pagkatapos nga niyang irampa ang nasabing shades sa Fendi event suot ang Mark Bumgarner black and white ensemble, naging hot item na ito.
Na hindi cheap ha, almost 20K in pesos. Na-sold out agad ito sa official website ng YSL at naaligaga ang maraming online seller sa rami ng order.
Maraming ipinost si Heart sa kanyang IG story matapos siyang i-tag ng followers niya sa iba’t ibang bansa na ‘heart made me do it’ habang suot na ang nasabing shades.
In all fairness, talagang recognized na si Heart as style icon hanggang Europe.
Marami pa raw itong commitment sa mga luxury brand sa Europe kaya hindi na muna ito gagawa ng teleserye pagkatapos ng I Left My Heart in Sorsogon.
Actually, kabog niya pa si Emily Cooper (Lily Collins) ng Emily in Paris.
Sa Savoir offices ng nasabing dramedy series sa Netflix ginanap ang event ng Fendi sa Paris kaya talagang nai-relate ng followers ni Heart.
Daming highlights ang Paris Fashion Week journey niya at kasama na rito ang pagbisita sa kanyang apartment ng sikat na French fashion designer na si Christian Louboutin. “Mon ami @louboutinworld visiting me at my apartment with chocolates and coffee lovely morning from Paris.”
- Latest