^

PSN Showbiz

Best big boss…

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Best big boss…
Miguel
STAR/ File

Siguro, Salve, wala nang Best Big Boss sa lahat kundi si Papa Miguel Belmonte ng PhilSTAR Media Group.

Dahil anak ng pinaka-credible na writer noong time niya, si Mrs. Betty Go Belmonte, very close ang mga anak niya sa writers.

Lumaki kasi silang kasama ang mga ito habang guma­gawa ng mga article niya si Ms. Betty, kaya lahat sila halos parang anak ng mga senior writer.

Kahit nga si Mayor Joy Belmonte kaya hindi mailap sa writers dahil alam niya na mga kaibigan ito ng mother nila.

Si Boss Miguel ever since ang bait sa employees niya, lagi niyang sinasabi na basta nagtrabaho sa kanila, itinuturing niyang pamilya. Na between an outsider at sa employee niya, mas may tiwala siya doon sa nagtrabaho sa kanya.

Pinaka-fair na sa lahat ang bayad ng Pilipino Star NGAYON at Pang Masa sa writers, pinakamaganda na ang benefits na natatanggap ng employees, at pinaka-approachable sa lahat ng publisher si Boss Miguel.

Kaya naman ang suwerte mo, Salve, dahil empleyado ka ng STAR. At suwerte kami nina Cristy Fermin at Gorgy Rula dahil nagsusulat kami sa publication ng STAR Group.

Bongga tayo dahil Big Boss natin si Papa Miguel Belmonte. Salute Boss Miguel, we are so lucky to have you, thanks sa pag-aalaga n’yo sa amin.

Maraming artista, nagpa-panic na

Panic mode siguro ang stars na walang regular na show ngayon. Kasi nga, parang matagal pa bago may gumawa uli ng pelikula na ipalalabas sa mga sinehan dahil nga sa problema sa pagbubukas ng karamihan sa mga sinehan.

At kaloka na kahit Hollywood movies hindi ganun kalaki ang kinikita ngayon. Tapos sa TV hindi rin ganun kadalas ang pagsisimula ng mga bagong serye, may mga uumpisahan, tapos mababalitaan mo na lang shelved muna.

Saka parang hindi ganun katindi ang magic ngayon ng showbiz at stars, parang diverted sa ibang bagay ang interest ngayon ng tao. Either sa computer games, phones o iba pang gadget pero wala ngayon sa TV o movies. Ang iba ngang teeners hindi na rin excited sa K-pop, o new stars, kaya wala ‘yung nagiging fans ng mga bagong artista na sana followers ng projects nila.

Alarming pero puwede rin namang seasonal at baka magbalik uli ang interest nila sa showbiz.

Unang tinamaan ng pandemic ang showbiz writers dahil na nga sa nawala ang mga presscon, naging mailap ang mga balita, at nawala ang excitement sa news ng mga tao.

At parang domino effect, nawala na rin ang mga sinehan. Naku ha, balik normal na, para mas masarap ang buhay. Sayang ang oras noh!

MIGUEL BELMONTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with