Venus Raj hindi pa rin nagkaka-dyowa matapos isuko ang viriginity sa mas matandang ex

Venus Raj.

Matagal na naging tahimik sa media si Miss Universe 2010 3rd runner-up Venus Raj. Umiwas ito sa showbiz at nag-concentrate ito sa kanyang pagiging community worker at pagiging speaker sa kanyang religious group

Kaya laking-gulat ng marami nang biglang nagkuwento ito sa pakikipagrelasyon niya noong 16 years old siya sa isang lalakeng malaki ang agwat sa edad niya.

Sa interview ni Alex Gonzaga sa beauty queen sa kanyang YouTube channel, binalikan nila ang naging tanong kay Venus sa Miss Universe 2010 na kung may nagawa ba siyang pagkakamali sa kanyang buhay na kanyang pinagsisihan ngayon?

Inamin ni Venus na hindi siya naging totoo sa pagsagot niya noon at meron nga siyang nagawang “major major mistakes” sa pakikipagrelasyon sa murang edad.

“I was 16, the guy was like 28. Wala pa akong kaalam-alam sa buhay noon, para akong sunod lang kung anong sabihin, masabi lang na you are in a relationship. I don’t know kung anong ibig sabihin ng toxic relationship. Hindi ko alam kung paano ba iyong dynamics dapat, no idea at all. I was introduced to things that I shouldn’t be introduced to. First sexual experience and I thought, siguro ganito talaga. Ito siguro yung love kasi usually, ganoon naman, e. Dapat binibigay mo iyong sarili mo nang buung-buo sa tao. It ended after two years or one year and a half kasi he got another lady pregnant,” kuwento ni Venus.

May kulang daw kasi sa buhay noon si Venus at iyon ay ang magkaroon ng father figure. Lumaki raw siya na walang tinitingalang lalake sa pamilya nila.

“At that time, hindi ko alam that there was a void. I know now, I can name that as a void when I was younger pero noong nandoon ako, hindi ko naman alam na it was called like a void, na may kulang. Parang pakiramdam ko lang, gusto kong may kasama sa buhay. I think the thought that relationships would be the ultimate when it comes to having relationships with a man and compromising my purity because that’s something na parang hindi ko na mababalikan iyon,” sey ni Venus.

Kaya naman seven years nang single si Venus at devoted na raw ang buhay niya sa Pa­nginoon.

Maureen, pasok na sa top 40 ng Miss World 2021

Ni-reveal ng Miss World 2021 ang kanilang magiging 40 semi-finalists at kasama sa listahan si Miss World Philippines Tracy Maureen Perez.

Sa March na magaganap ang coronation night ng Miss World pagkatapos itong ma-postpone last December 16 dahil sa outbreak ng COVID-19 sa Puerto Rico.

Nakasama si Tracy sa 15 “fast track winners” ng pre-pageant challenges. Nakapasok din siya agad sa Top 30 noong December noong manalo siya sa Head to Head challenge. Pasok din si Tracy sa Top 6 of the Beauty With A Purpose project kung saan pinakita ng candidates ang kanilang pinagkakaabalahang advocacy.

Naka-schedule na sa March 16 ang coro­nation night ng Miss World at ang pababalikin lang sa Puerto Rico ay ang napiling Top 40 semi-finalist.

Blur, singer nag-sorry sa paratang kay Taylor Swift

Hindi nanahimik ang award-winning American singer-songwriter na si Taylor Swift sa pag-akusa sa kanya ng Blur lead singer na si Damon Albarn na hindi raw siya ang sumusulat ng kanyang songs.

Sa isang interview ni Albarn, sinabi ito: “She doesn’t write her own songs. I know what co-wri­ting is. Co-writing is very different to writing. I’m not hating on anybody, I’m just saying there’s a big difference between a songwriter and a songwriter who co-writes.”

Sa series of tweets ni Taylor, sinabi niya kay Albarn na kung hindi raw siya gusto nito, wala siyang right to discredit her craft as an artist.

“I was such a big fan of yours until I saw this. I write ALL of my own songs. Your hot take is completely false and SO damaging. You don’t have to like my songs but it’s really f**ked up to try and discredit my writing. WOW! PS I wrote this tweet all by myself in case you were wondering,” tweet ng 11-time Grammy Award winner.

Agad na nag-rally ang mga Swifites para ipagtanggol nila si Taylor. Binash nila si Albarn at kinuwestiyon kung ilan ba ang hit singles nito at kung mapapantayan ba nito ang achievements ni Taylor.

Sa pag-research ng Swifties, never pang nanalo ng kahit isang Grammy Award ang Blur.

Mabilis naman na nag-aplogize si Albarn sa mga sinabi nito kay Taylor: “I totally agree with you. I had a conversation about songwriting and sadly it was reduced to clickbait. I apologize unreservedly and unconditionally. The last thing I would want to do is discredit your songwriting. I hope you understand.”

Show comments