MANILA, Philippines — Ipinagpaliban muna ng bandang Ben&Ben ang kanilang gig sa United Arab Emirates ngayong araw matapos mapag-alamang tinamaan ng COVID-19 ang ilan nilang miyembro at team.
"After much discussion and consultation, it is with deep regret we announce that we will have to postpone our performance at the Expo Dubai 2020 this January 27, 2022, due to Covid cases within the band and our team," ayon sa isang joint statement na inilabas online, Martes.
Related Stories
"We understand how this will come as a disappointment to many of you who were looking forward to meeting us there, but we as a band decided it to be the best decision in the interest of everyone’s health to postpone the performance. We humbly ask for your kind understanding as those of us affected recover from Covid."
Hindi pa naman maliwanag kung sinu-sino sa kanila mismo ang dinapuan ng naturang karamdaman.
Paliwanag nila, maglalabas naman sila ng panibagong petsa para sa kanilang concert sa lalong madaling panahon matapos gumaling mula sa pinangangambahan at nakamamatay na virus.
Gagawin din daw nila ang lahat upang maibalik sa dati ang kalusugan nang makatugtog uli sa harap sa kanilang mga tagahanga.
"Thank you so much, Liwanag, for your patience and understanding. We'll keep you posted with updates regarding this as soon as possible. Sincerely, Toni, Keifer, Agnes, Andrew, Paolo, Miguel, Jam, Pat, and Poch," dagdag pa ng nine-piece folk-pop group.
Tumutukoy ang terminong "Liwanag" sa kanilang mga fans, na dati namang tinatawag na "Lights."
Abril 2020 lang nang mag-perform nang live sa Youtube ang banda upang makapaglikom ng pondo na kanilang iniambag sa COVID-19 response efforts. Lingid sa kanilang kaalaman, tatamaan din sila ng naturang sakit.
Aabot na sa 3.49 milyon ang nahahawaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa huling tala ng Department of Health (DOH) ngayong Huwebes. Sa bilang na 'yan, patay na ang 53,736. — James Relativo