^

PSN Showbiz

NTC, binigay na ang frequencies ng ABS-CBN sa advanced media ni Manny Villar

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
NTC, binigay na ang frequencies ng ABS-CBN sa advanced media ni Manny Villar
Manny Villar
STAR/ File

Maasim na maasim ang mga salitang narinig namin mula sa mga anchor ng Teleradyo dahil sa lumabas na balita noong makalawa na ang frequencies na ginagamit mismo ng ABS-CBN, na analog Channel 2 at kanilang digital na Channel 16, ay naibigay na pala ng NTC sa AMBS, o Advanced Media Broadcasting System na pag-aari ni dating Senador Manny Villar.

Ang AMBS daw ay unang may request para sa available frequency simula pa noong 2006. Dahil nga sa nag-expire ang franchise ng ABS-CBN isang taong mahigit na ang nakaraan, ang dati nilang frequency ay ibinigay na sa unang aplikante na nagkataon ngang AMBS.

Legal iyan dahil nasa kapangyarihan ng NTC na ibigay sa iba ang anumang bakanteng frequency.

Pero ang napunta lang sa AMBS ay iyong television frequencies. Hindi sinabing kasama ang frequency na ginagamit dati ng dzMM na 630 kilohertz. Mawawala na rin naman talaga ang analog kahit na sa radyo at lahat ay gagawin na ngang digital.

Ilang araw bago iyan, umasa ang ABS-CBN na mababawi nila ang kanilang franchise at makakapag-broadcast sa kaparehong frequencies, nang iharap sa senado ni Senador Franklin Drilon na maaa­ring bigyan ng provisional permit to operate ang ABS-CBN, habang nakabimbin ang panibagong application for a new franchise, na sinasabing isinusulong din ng ilang kongresista sa mababang kapulungan, pero mabilis na tinutulan ng NTC. Iyon pala ay hindi na nga puwede dahil ang frequencies ng ABS-CBN ay naibigay na nga sa AMBS na may provisional permit na magsimula ng kanilang test broadcast, gamit ang Channel 2 at Channel 16.

Sa ganyang sitwasyon, ano pa nga ba ang kapalaran ng ABS-CBN?

Kung makakakuha sila ng franchise mula sa kasunod na kongreso maaari silang mag-broadcast at tungkulin ng NTC na bigyan sila ng frequency assignment. Maiiba na nga lang iyon kaysa sa dati dahil digital na naman ang mga kasunod na frequencies.

Pareho rin iyon, hindi na nga lang sila Channel 2.

Ganyan din naman ang nangyari noong 1986. Ang Channel 2 na nasa ilalim ng Banahaw Broadcasting Corporation ay ibinigay ng gobyernong Aquino sa ABS-CBN matapos na i-sequester ang BBC. Nangyayari talaga iyan, nabaliktad lang ang sitwasyon ngayon dahil sila naman ang tinamaan.

Dr. Carl, maraming plano sa OFW

Kung mayroong inaa­sam ang overseas Filipinos ay magkaroon ng kaunting kasiyahan. Hindi pinapayagan ang iba’t ibang klase ng entertainment lalo na nga sa Middle East. Iyon ang dahilan kung bakit naisipan ni senatoriable Dr. Carl Balita na kausapin ang mga kaibigan niyang artists para mag-perform nang libre sa isang concert, na mapapanood ng libre ng overseas Filipinos sa pamamagitan ng internet.

Malaking bagay iyan lalo na sa mga kababa­yan nating malayo sa ating bansa na karamihan ay nakakaranas ng depression dahil sa pangu­ngulila nila hindi lamang sa kanilang pamilya kundi sa kanormalan ng buhay. Isipin mo iyong mapanood mo nang live sina Dulce, Richard Reynoso at marami pang ibang singers ng libre. Salamat na nga lang binuo ang show na iyan ni Dr. Carl Balita.

Bading, libu-libong dolyar ang kinita sa panloloko sa kabataang lalaki

Patuloy ang raket sa internet. Libu-libong dolyar pala ang kinita ng bading na nanloko sa ilang kabataang lalaking Pilipino na pinangakuan niya ng malaking bayad kung gagawa ng sex video.

Marami siyang naloko, at sa pamamagitan din ng social media naibebenta niya iyon maging sa abroad, kaya nga dolyar ang kita niya.

Naibenta niya rin ang mga iyon sa isang porn site sa Canada na siya namang nagbebenta noon sa mga gustong mag-download at natural patuloy na nakakatanggap ng komisyon ang baklang gumawa noon.

Palagay namin, panahon na nga para magkaroon ng isang ahensiya ng gobyerno na mag-monitor diyan sa mga ipinalalabas na video sa internet.

Hindi lamang iyang mga illegal na porno kundi ang mahahalay ding mga pelikula, na inilalabas sa internet para hindi mapakialaman ng MTRCB.

NTC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with