Isang magandang example ng isang artista na naging mabuting pulitiko ‘yung mga pumasok sa pulitika at nakikita mong nagtrabaho nang mahusay.
Kahit ano pa ang sabihin maganda rin naman ang naging record ni Joseph Estrada noon, kaya umabot siya hanggang sa pagiging Presidente.
Sina Jinggoy Estrada, Bong Revilla, Dan Fernandez, at Vilma Santos, nagtagal sa puwesto dahil nagpakita ng husay nila.
Sina Isko Moreno, Richard Gomez, Jomari at Anjo Yllana, hanggang ngayon nandiyan pa rin at nagsisilbing mga public servant.
Kahit pa nga anong sabihin, nagawa nila ang mga dapat gawin para sa tungkulin nila.
Huwag nating isipin na ‘pag artista walang magagawa.
Basta hinarap nila ang trabaho, dedicated sila. They do their job. Artista man, kaya rin nila.
So huwag nating isiping basta artista waley, kung minsan mas mahusay pa sila, promise!
Grateful tuesdays, tuloy ang ayuda sa mga ulila
Every Tuesday ang charity work ni Pinky Tobiano na Grateful Tuesdays.
Kaya kahapon ay namigay siya ng 500 bags na goodies sa orphans.
Talagang regular na pinupuntahan ni Pinky ang mga charity work niya every Tuesday kaya naman ang dami talagang natutulungan ang kanyang Grateful Tuesdays.
Nun pa kasi malapit at malambot na ang puso ni Pinky sa pagtulong kaya naman alam ng mga kaibigan niya what makes her happy.
‘Pag birthday at special occasions talagang mas gusto ni Pinky na mag-donate na lang sa favorite charity niya ang friends niya kesa ibili siya ng regalo. Kaya parang snowball ito, mula kay Pinky hanggang sa friends niya, hayun tumutulong lahat para sa mga in need.
Totoo ‘yung sinabi ni Pinky, ang sarap makita ang mga ngiti sa tinulungan mong tao, lalo pa nga ‘yung mga orphan na walang mga magulang.