Tonton, naka-lock in na sa na-delay na programa

Tonton
STAR/ File

Natuwa naman ako na ‘yung project ng GMA 7 na kasali si Tonton Gutierrez ay tuloy na ang lock-in taping.

Akala ko dahil sa tagal ng pagka-delay hindi na ito itutuloy pero heto at papasok na sila sa lock-in next week. Kasama dito ni Tonton sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos at mukha namang maganda ang project dahil nagustuhan ni Tonton.

Nakakatuwa ‘pag naririnig mo na may mga bagong project na inuumpisahan, dahil nagbibigay pag-asa sa lahat na heto umaandar pa rin ang showbiz.

Sana nga tuluy-tuloy na uli ang trabaho para sa lahat. Para naman sigla uli ang showbiz. Kaya ‘pag may naririnig ako na taping sked happy ako, dahil ibig sabihin trabaho para sa industriya. Alive pa rin ang showbiz, yehey!

Mandatory military training, magbibigay ng tapang at disiplina sa kabataan

Isa sa gusto ko noon pa ay ‘yung mandatory military training ng Korea.

Parang ang ganda ng nagawa nito sa disiplina ng mga Koreano kung paniniwalaan mo ang napapanood sa mga serye. Maganda ang training at talagang seryoso sila sa kanilang mandatory military dahil two years ito.

Sabi nga nila, you enter as a child and come out as adult pagkatapos ng training. Kaya natuwa ako nang mabasa ko na isinusulong ni Sara Duterte na maging mandatory ang military training sa mga 18 years old.

‘Yung disiplina, ‘yung tapang na maibibigay ng training sa mga kabataan malaking bagay iyon lalo na sa ating mga kalalakihan. Kung meron akong anak na lalaki matutuwa ako ‘pag nasali sila rito, gusto ko ito lalo na ‘pag nanonood ako ng Korean drama. Para bang the look forward sa experience na ito sa buhay nila.

Yes ako sa mandatory military training parang na-visualize ko na ang mga nangyayari sa loob ng military camp habang nag-training sila.

Show comments