Haligi ng DZRH drama, pumanaw na
Malungkot na ibinalita ng Manila Broadcasting Company ang pagpanaw ni direk Salvador Royales, batikang manunulat at radio drama director ng DZRH.
Sa kanilang pagpupugay sa natatanging talento na namuno sa Drama Division ng istasyon, nagbalik-tanaw ang MBC sa panahong unang pumaimbulog sa daigdig ng radyo si Royales, na tubong Naga City.
Labing-anim na taong gulang siya nang unang naging voice talent, at matapos lumuwas ng Maynila upang kumuha ng Economics sa MLQ University (Magna Cum Laude), ay nag-audition sa DZRH noong 1980 kung saan nahasa ang kanyang galing sa panulat.
Sa pagdaan ng mga taon, si Royales ay naging haligi ng radio drama, na tampok noon ang “radio superstars” na sina Tiya Dely, Ester Chavez, Luz Fernandez, Eloisa Cruz Canlas, Augusto Victa, Froilan Villegas, at marami pang iba.
Pinasok din niya ang daigdig ng pelikula at nakilala sa mga obrang Mundo Man ay Magunaw at Isinakdal Ko ang Aking Ina. Sa telebisyon naman, sumulat din siya para sa Maalaala Mo Kaya at Anna Luna.
Subalit natatangi sa kanyang talambuhay ang long-running Mr. Romantiko, at ang Yaya Maria, na naging top-rated nationwide, at nagtalaga sa oras na 1 p.m. bilang primetime drama slot sa radio. Ang Yaya Maria ay isinapelikula ni Nora Aunor sa Sana Mahalin Mo Ako.
Nagkamit din si Royales ng KBP Golden Dove award sa Best Radio Drama (May Pangako ang Bukas) at Best Screenplay award para sa Kapag Langit ang Humatol mula sa Film Academy of the Philippines.
Ang mga labi ni Direk Badong Royales ay nakahimlay sa kanyang bahay sa Brgy Sto. Niño Gutad, Floridablanca, Pampanga – siya ay ihahatid sa huling hantungan sa Enero 25, 2022.
Christian, bida sa Boyfriend’s Romance
How much are you willing to do for someone you love?
Ngayong Linggo, Jan. 23, isang babae ang nasa misyon na makahanap ng bagong pag-ibig para sa kanyang gay partner sa Regal Studio Presents: My Boyfriend’s Romance.
The episode is headlined by Faith da Silva as Pia and Christian Bables as John Christopher.
Ilang taon nang magkasama sina Pia at John Christopher hanggang all of a sudden, umamin si John na gay siya. Kahit papaano, sa mahabang panahon na magkasama sila naniniwala si Pia na tinanggap niya ang seksuwalidad ni John hanggang sa tinutulungan niya itong mahanap ang bago niyang kapareha.
Magiging masaya kaya silang dalawa? Paano magmo-move on si Pia kay John?
Find out in the new episode of Regal Studio Presents: My Boyfriend’s Romance, this Sunday 4:35 p.m., on GMA 7.
Jona, may birthday celeb sa ASAP
Todo-todo ang mga selebrasyon sa ASAP stage dahil sa pagbabalik ni Jona, pa-birthday blowout ni Francine Diaz, at ang kick-off treat ng teleseryeng The Broken Marriage Vow live na live ngayong Linggo (Enero 23) sa ASAP Natin ‘To sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.
Huwag palampasin ang pagbabalik-ASAP stage ng birit queen na si Jona para awitin ang kanyang panibagong single na Someone to Love Me.
Tuluy-tuloy rin ang party vibes sa pasabog na 18th birthday celebration ni Francine Diaz, habang may kani-kanilang breakthrough performance naman sina KD Estrada at Alexa Ilacad, pati si Gigi de Lana kasama ang buong GG Vibes Band.
Abangan din ang pagdating ng cast ng inaabangang teleseryeng The Broken Marriage Vow na sina Jodi Sta. Maria, Zanjoe Marudo, Sue Ramirez, Zaijian Jaranilla, Angeli Bayani, Bianca Manalo, Jane Oineza, Franco Laurel, Migs Almendras, Sandino Martin, Brent Manalo, at Susan Africa kasama ang power diva na si Angeline Quinto.
- Latest