Appreciated ko ang comment ni Jugs Jugueta sa IG post ko about Vice Ganda, na lumabas din dito sa column ko sa Pilipino Star NGAYON.
Sabi niya, hindi totoo ang mga kumakalat na balita na marami ang discontented dahil sa mga nagaganap na power tripping sa It’s Showtime.
Ayon kay Jugs, happy lahat sila sa Showtime.
Well and good. Mabuti naman kung totoo dahil sayang din ‘di ba, medyo matagal na rin ang Showtime sayang kung mawawala ito dahil lang may gustong mag-power trip.
Lalong sayang kung babagsak si Vice dahil lang sa pagbabago ng ugali eh bihirang mangyari na nagkaroon ng celebrity na tulad niya na tinanggap ng publiko.
Dapat talaga na maging maganda ang samahan nila dahil araw-aw silang magkasama, dapat para na silang magkapatid.
Sana lahat ng celebrity tulad ni Jugs may oras para ituwid iyon nabasa nila, mas appreciate namin iyon.
Puwede naman kasi na mali ang information na nakuha namin, at puwede naman itong ituwid. Thank you Jugs for your time.
Kuwento ng 80 years old na nakulong, nakakalungkot!
Sad naman ako sa isang article sa PSN na nabasa ko kahapon ng umaga.
Iyon tungkol sa isang 80 years old na matanda na ikinulong dahil kumuha diumano ng 10 kilong mangga. Nangyari iyo last year, umakyat ang kaso, kaya hinuli siya dahil merong inilabas na warrant. Alam natin ang mali ay mali, kumuha ka nang hindi sa iyo kahit 10 kilong mangga lang iyon, puwede kitang ireklamo. Pero hindi ba puwedeng pag-usapan na lang lalo pa nga at isang matanda na walang pamilya ang involved? May dahilan tiyak bakit niya nagawa iyon, sitahin mo at kausapin, pagsabihan na huwag umulit.
For humanitarian reason na lang, 80 years old nakulong dahil sa 10 kilong mangga saka sabi naman, siya ang nagtanim.
Mabuti na lang at tinulungan ni Raffy Tulfo ang matanda, kaya ngayon laya na siya at dinaragsa ng tulong.