^

PSN Showbiz

Jose, ‘di nakapunta sa burol ng dating asawa!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Jose, ‘di nakapunta sa burol ng dating asawa!
Jose
STAR/ File

Apektado ang mga anak nina Jose at Ana Lyn Manalo sa pagpanaw ng kanilang ina.

Masakit sa kanila na nangyari ito sa oras nang may matinding pinagdaraanan pa si Ana Lyn. Ilang beses kong kinulit na makapanayam ang isang anak nilang si Benj Manalo, pero hindi pa raw ito ready.

Nakiusap kami sa asawa ni Benj na si Lovely Abella pero hindi pa raw niya ka­yang magsalita.

Inilabas na lang ni Benj ang kanyang saloobin sa kanyang Instagram account na kung saan ipinost nitong niyayakap ang urn ng kanyang ina na umiiyak.

Sabi ni Benj; “Dear Mommy, thank you for everything, thank you for all the life lessons you’ve shown us.

“This week was a rollercoaster ride but it ended up in full restoration.

“Love, hope, peace, joy, sadness and fa­mily…these are the things/knowledge that you left us and will be forever be treasured in our heart.

“You are a testimony to us. A testimony of God’s love to His children. We are saddened that you have to went through all of those. But we are happy that you are now in His kingdom.

“You may sing and dance now and enjoy eternal life with God.

“You will be missed by your children, your sisters and everyone who loves you.

“Rest now mom.”

Tinanong namin si Lovely kung nakapunta ba sa burol si Jose Manalo, pero hindi na ito sumagot. Sa pagkakaalam namin, hindi pa puwedeng lumabas si Jose, kaya maaring hindi nga siya makapunta.

Agimat ni Sen. Bong, naurong ang airing

Naurong nga ang airing ng book two ng Agimat ng Agila ni Sen. Bong Revilla dahil hindi pa rin safe mag-taping ngayon sa labas.

Kaya habang hindi pa nag-resume ang taping, itinuluy-tuloy ni Sen. Bong ang pag-iikot sa ilang lugar na nasalanta ng bagyong Odette.

Kahapon nga ay lumipad siya patungong Siargao at Dinagat Island para doon naman maghatid ng tulong.

Kasama niya roon ang Vice Presidential aspirant na si Mayor Sara Duterte na sinusuportahan niya.

Nakita ko sa Facebook live ni Sen. Bong na nadadaanan nila ang ibang tagaroon na sa tent  muna nakatira dahil wala pa silang bahay na matitirhan matapos wasakin ng bagyo.

Nakakaawa pa rin ang kala­gayan nila roon, kaya baka babalik pa raw siya para mamahagi uli ng tulong.

May dala silang food packs, at yero para sa mga bahay na wala pa ring bubong. Pero sa tingin daw niya ay kulang pa ang dala nila, kaya aayusin daw niya ang additional ayuda sa mga tagaroon.

Halos naikot na nga ni Sen. Bong ang mga probinsyang nasalanta ng bagyong Odette, at madalas ay kasama niya ang panganay na anak na si Bryan Revilla na first nominee ng kanilang Agimat Partylist.

Ingat na ingat si Sen. Bong sa pakikipagsalamuha sa mga tao dahil kailangang hindi raw siya magkasakit para anytime puwede na siyang bumalik sa taping ng Agimat ng Agila.

Mas mahigpit kasi ang safety protocols na pinapatupad, pero iniksian na kasi nila quarantine days bago isalang sa taping.

May ilang shows kasi ngayon, hindi lang sa GMA 7 kundi pati sa ibang network na ‘pag nagsimula na raw ang lock-in taping, straight na five days na ina-antigen test ang mga artista at staff and crew para matiyak lang na walang may sakit pagpasok ng taping kaya mas magastos.

Tinitiyak na rin muna na tapos na ang mga drama series bago ito iere para hindi sila kapusin kung sakaling magkaproblema sa taping.

Kaya ang Agimat ng Agila ni Sen. Bong ay tatapusin muna talaga ang taping ng buong season, bago ito iere.

ANA LYN MANALO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with